Chapter 8

5 2 0
                                    

After that scene, hinatid ako ni Chae pero hindi sa amin.

Nung nakita ko si Riva, sabi ko sa kanya na hanggang dun nalang sa kanto kahit malayo pa samin. Kasama ko naman si Riva. Tsaka narinig ko na di nya alam kung san sya dadaan kase malayo pala bahay nya samin.

Nung una ayaw nya, pero napapayag ko din naman agad sya.

Kinuwento ko kay Riva yung nangyari and guess what? Galit na galit.

"Kapal ng muka nyang Paul na yan!! Ganyan pala kasama ugali. Babaero, manloloko, cheater, f*ckboy. Lahat na yata ng pwedeng ipanlarawan sa kanya bilang dakilang manloloko bagay sa kanya"

Natawa ko kaya kumunot noo nya.

Hahahahahaha.

"May  nakakatawa ba sa sinabi ko?" At inirapan pa ko ng gaga.

"Natawa lang ako. Mas g na g ka pa kesa sakin hahahaha"

Nabatukan tuloy ako.

"Malamang! Kaibigan mo ko ayaw na ayaw ko yung nasasaktan ka pati sila Yumi" awwwww

"Kaya lab na lab kita riva e!" Akmamg yayakapin ko na sya ng may tumawag sa kanya.

o_0 huh!? Sino yun?

Tumingin ako kay riva pero nakatingin parin sya sa gawi nung tumawag sa kanya. Mukang nagulat din sya.

"Hi" bati samin nung lalake.

"Ahm. Hello" ako na sumagot. Speechless ata tong si Riva.

"Riva? Pwede ba tayong mag usap? Bukas nalang. After class? I'll wait for you sa parking lot" sabi nung lalake.

Hindi sumasagot si riva kaya siniko ko na. Jusko! Anyare ba?

Nagulat sya kaya nagkanda bulol sya.

"Huy riva! Ayusin mo nga pananalita mo. Sino ba to?" Sabay turo ko dun sa lalake.

"By the way, I'm Zac"

Zac....

Zac....

Zac.....

AH!!! Yung naging partner ni Riva nung activity na hindi natuloy?

Ahhh. Mukang marami dapat ikwento si Riva samin.

**

"Goodmorning Micaaaaa!!" Hyper talaga kahit kelan ni Luizea.

"Pwede ba na pakihinaan? Sakit sa tenga Luiz" pagrereklamo ni Nics.

Sabay sabay kaming pumasok pero nauna sila dito sa room kase dumaan ako ng library.

"Miss mo na agad ako Luiz?" Tanong ko pagkatapos kong ibaba ang gamit ko.

"Syempre. Syempre hindi" aba! Lakas ng topak nito!

Inirapan ko nga.

"Charot lang micha eto we. Akala mo hindi kita namiss? Gsjsibsjbhsjsns

Hindi ko na naintindihan yung huli nyang sinabi ang bilis bilis magsalita kahit kelan!!

"Hinay hinay Luiz" sabay tawa ni Yumi.

Lumapit sila sa gawi namin para makipagkwentuhan na din.

Kwentuhan kami ng kwentuhan ng kung ano ano. Di mapigil ang bunganga ni Luiz.

Tawa nga ko ng tawa sa kanila ni Lalaine. Mga monggoloid talaga kahit kelan.

Natigil lang kami sa pagtatawanan ng may marinig kami na tilian.

THE STORY OF US (ON-GOING)Where stories live. Discover now