**
Thursday...
Last day na ng event na to, kaya sinusulit na namin.
Dahil hello stress na ulit..
"Sa picture booth naman tayo! Tayong lahat" suggest ni Lalaine kaya pumayag kami.
Hindi kami natuloy kahapon dahil inaya na si Cath nung jowa nya na mag date sila.
Eh ngayon kumpleto na naman kami..
Si riva lang talaga ang kulang..
"Welcome sa booth namin mga ate at kuya" bati samin nung babae na sa tantsa ko ay grade 8 na.
Ang cute nya.. May dimples
Pumasok na kami dun sa ginawa nilang room para sa booth nila.
Medyo malaki kaya nagkasya kami.
Magkakatabi sila Nics tapos kaming tatlo nila Derick at Chae nasa may likod nila na nakasampa sa mahabang table para kita kami.
Class picture lang ang peg?
"4 shots po ito--"
"Ah kuya! Pwede isa isa lang? Para maayos tignan? Hehe" syempre si Lalaine ulit, sya mahilig mag suggest e.
Tumango si kuya kaya nagsmile na kami sa unang shot.
"Closer guys!" Yumi.
So ginawa namin. Si derick at chae grabe kung maka siksik.
"Wacky naman" Nics.
*click*
"Last shot na po"
*click*
~
"Hahahahaha! Ang cute natin dito sa pangalawa oh! Grabe sila Francis kay Mica, lalaking tao kung makasiksik. "
Tinitignan namin yung pictures, tigi-tig isa kami ng kopya para remembrance haha.
"Huy ang cute nung wacky nilang tatlo!" Sabi ni Cath tsaka tinuro yung amin.
Oo nga hahaha, sila kase puro naka peace, kami kakaiba.
Si Derick naka tingin sakin tapos naka-belat. Si Chae ganun din pero parang iki-kiss ako sa cheeks. Tapos ako nasa harap lang nakabelat tapos nakapikit.
Hahaha uy! Di namin pinagusapan yan!
"Dakilang hokage si Francis sa panghuli" asar ni Derick.
Pano ba naman kase, naka akbay sakin tapos sinandal yung ulo nya sa ulo ko tapos ngiting-ngiti. Kaya wala nakong nagawa kundi ngumiti nalang din, kahit kinikilig na ko.
O_O eh!!?
"Ganun talaga, grab the opportunity" tsaka tumingin sakin tapos nag wink.
-,- napaka mo! Chae!
"Kain na tayo" puro pagkain nasa utak ni Cath, kanina pa yan.
**
Ito na yung araw kung kelan kami mag pe-perform sa english.
Kaya pawis na pawis ako dahil inaasikaso ko muna sila.
Hindi parin ako nakabihis.
May isang oras pa naman.
"Danica, Kyla, Justine! Paki naman oh lagay nyo na to sa kanila. Magbibihis lang ako"
Inabot ko na sa kanila yung tela na ilalagay sa wrist nila tsaka ako pumunta ng banyo para magbihis.
YOU ARE READING
THE STORY OF US (ON-GOING)
RandomMaging masaya, mainspired, matutong magpatawad at magmahal.