Same day.....
Habang nagka-klase kami, may estudyante na babae ang kumatok.
"Maam goodmorning po, excuse ko lang po yung new president at vice ng SSG" sabi nya.
Tumingin naman sa aming dalawa ni kumag ang guro namin at sinenyasan kami na gumora na.
"Guys, wait lang ah?" Pagpapaalam ko sa kanila.
"Sige go be! See you later"
Paglabas ko ng room, nakita ko si kumag na kausap yung babae kanina na nag excuse samin. Kilig na kilig naman si gaga, hindi nya alam pinagtitripan lang sya nun.
Napairap nalang ako bigla. -.-
Nilagpasan ko sila at nauna nang maglakad. Di ko alam kung saan ako pupunta dahil wala namang sinabi yung babae -,-
"Ms? Sa School Ground tayo pupunta, sa may back stage na kayo dumeretso dahil may sasabihin si Ma'am Leny. Okay?" Hindi ko na sya sinagot at dumeretso na sa school ground.
Nang makarating ako dun, nanduon na si Ma'am Leny. Nakakahiya, baka nag hintay sya ng matagal samin.
"Maam? Sorry po kung natagalan" pagpapaumanhin ko.
Dumating na pala si kumag -.-
"Ayos lang yun. Okay ngayon, pinatawag ko kayong dalawa dahil ipapakilala ko kayo sa mga studyante dito. Ipinakilala na kase ang ibang SSG noong Student's Orientation bago mag pasukan. Ngayon, since kayo ang pumalit, kayo ang ipapakilala ko kase ang section nyo pa lamang ang nakakaalam at nakakakilala sa inyo bilang mga bagong miyembro ng organisasyon" pagpapaliwanag nya.
"Okay po maam" pag sang ayon ko.
Tahimik naman ni kumag ngayon? Bait pala.
"Okay sige. Iwanan ko muna kayo saglit at ipapatawag ko na ang mga studyante. Excuse me" umalis na nga si maam at naiwan kaming dalawa.
Umupo na ako at iniwan syang nakatayo dun.
As if namang tatayo lang ako dun lalo na kung kasama ko pa yun? Duhhh
Inayos ko nalang yung relo ko para hindi ko sya makita.
Busy ako sa pagkuting-ting ng relo ko ng kausapin nya ko.
"Hoy! Bakit ba ang sungit mo?" Tanong nya
"Eh kase feeling close ka!" Pambabara ko.
"Nakikipag kaibigan lang yung tao!"
Tao ka pala?"Wala namang problema sa pakikipag kaibigan. Pero kase kung pinairal mo yang manners mo, edi sana walang problema"
"Yun lang ba? Simpleng bagay, pinalalaki mo" ABA NAMAN!
"Kung sayo simple lang yun, sakin hindi" totoo naman kase. Pwede naman nyang sabihin na
'Ms? Oh yung gamit mo, uupo kase ako e'
Ayos lang sana kung ganyan e, kaso hindi.
Buti nalang dumating na si Ma'am Leny at pinaakyat na kami sa stage.
Ang daming estudyante, ganito pala kami ka-espesyal? Charot.
Hinahagilap ng mga mata ko yung mga kaibigan ko at BENG! Andun sila sa may gawing kanan at may hawak na...
BANNER!?
THE F!?
HAHAHAHAHAHAHAHAHA
PARANG MGA LOKO LANG E!
YOU ARE READING
THE STORY OF US (ON-GOING)
RandomMaging masaya, mainspired, matutong magpatawad at magmahal.