Dumaan ang ilang linggo at July na.
July na pero di parin ako pinapansin si Chae.
Nagiging close narin kami ni Paul.
Nagtanong sya kung pwede manligaw, pero hindi ko pa sya pinapayagan.
Kalat na sa room namin na nililigawan na nya ko pero di ba nga? Hindi ako pumayag?
Oo crush ko sya pero hanggang dun lang muna yun.
Ewan ko, pero di ko talaga alam kung bakit ayaw ko.
Hays!
Nandito kami ngayon sa Office ni Ma'am Leny. Kasama ko yung Secretary na si Jen at si Chae.
May project syang binigay sakin, pag usapan daw naming lahat.
So nagpatawag ako ng meeting sa mga SSG.
May room para sa mga meeting ng SSG dito kaya di kami nahirapan mag kita kita.
Nauna na kami ni Chae dun since pinatawag ko pa yung iba.
Si Jen na yung nagpresinta na tawagin sila.
Tahimik lang akong umupo dun sa may pinaka unahan at tinignan yung project.
Ahh. Cleaning.
Binasa ko lang yun, pero konti lang yung naiintindihan ko, hindi dahil sa hindi ako nakakaintindi ng English.
Duhhhhhhh.
Ramdam ko kase na nakatingin sakin si Chae.
Naiilang ako.
Tinitignan nya ko pero di nga ko pinapansin.
"Kayo na ba ni Paul?" Nagulat ako sa tanong nya.
Nagulat din ako kase kinausap na nya ko.
Is this for real?
"Hoy! Tinatanong kita! Nagsusungit ka na naman"
Aish! Lutang.
"A-ay! H-hindi kami ni Paul" tangek! Bakit ako nauutal?
"Nililigawan lang? Nauutal ka pa. Tinatanong lang naman kita, sabihin mo na yung totoo. Di naman ako magagalit e"
Ha? Bakit di sya naniniwala?
"Ha? Uy hindi nga kami. Hindi nya rin ako nililigawan. Hindi ko nga sya pinayagan e. Bakit di ka naniniwala?"
Ang tagal naman nila!!!!
"Kung umasta kase sya sayo parang kayo e. Hatid pag uwi, Nililibre ka ng pagkain"
Ahhhh. Oo totoo naman yun, wala na kase akong nagagawa kapag ganun ginagawa ni Paul sakin e.
May pera akong pambili pero lagi nyang sinasabi na libre na daw nya.
Hindi na ko nakakapalag dahil ayoko namang makipagtalo pa.
"Ahhh. Bakit mo ba naitanong?"
"Ah wala naman. Nakita ko kase sya nung nakaraang araw sa may Cafeteria malapit lang dito, may kasamang babae"
Parang kumirot yung puso ko dahil dun.
Kahit naman hindi ko pinayagan si Paul, sana naman naghintay sya diba?
Dunno why.
"Hinalikan nya sa noo, sa cheeks at sa lips. Kaya ko naitanong"
Ha? Totoo ba yan?
YOU ARE READING
THE STORY OF US (ON-GOING)
RandomMaging masaya, mainspired, matutong magpatawad at magmahal.