WOAHHHH!! ANOTHER DAY! ANOTHER LIFE! THANK YOU LOOOORD!!
"Goodmorning Philippines!!" nagpray na ko pagkagising ko palang.
Iniligpit ko na yung kama ko, tsaka naligo at nag-ayos.
After a minute, bumaba narin ako at kumain.
Andito na pala yung mga bruha -,-
"Goodmorning mikay!"sabay sabay nilang sabi. May choir ba?
"Andyan ka na pala. Tara na kumain ka na. Uy kayo, kumain na kayo. Sumabay na kayo samin" sabi ni mama.
Nung una nagkakahiyaan pa e, pero nung tumayo si Nics, tsaka lang sila nagkaroon ng confident. Haynakong mga to!
After naming kumain, nagpaalam na kami kay mama at pumasok na sa school.
-------------------------------------------------------------
"Bye Riva!" Pumunta na si Riva sa room nya at kami rin.
Pagpasok namin sa room, umupo na kami at as usual, hinihintay ang guro na dumating dahil napaaga ang pasok namin.
Habang nag kukwentuhan kami, may lumapit samin na babae.
Medyo kulot ang buhok, hindi mataba, hindi rin mapayat, sakto lang.
"Hi!" Bati nya.
"Hello!" bati ni Lalaine.
"Kayo nalang ang hindi ko pa nakakausap dito"
ang friendly mo naman pala? -,-
Kami na hindi."By the way, Im Luizea" pagpapatuloy nya.
"Hello. Im Yumi. This is Lalaine, Nics And Mica" pagpapakilala samin ni Yumi.
Hindi ba halata na di kami interesado ni Nics? -,- Makiramdam ka.
"Nice name" mas maganda pa sa pangalan mo! -,-
Hindi naman talaga ako mataray e, ewan ko ba! Naiinis lang ako, lalo na kung hindi ako interesado! -,-
Nagmana ata ako sa pap----
Aishhh! Nevermind!
"Nice to meet u all guys! Sana maging friends tayo" at umupo na sya sa upuan nya.
"Huy! Bakit hindi nyo kinausap?" Tanong ni yumi.
"Hindi ba halata na hindi kami interesado?" Exactly, nice one Nics!
"Haynako! Ang susungit nyo talaga!" Sabi ni Lalaine.
"Lalo na tong si Mikay! Kaya napagsasabihan ng 'Maganda ka sana e, Kaso ang sungit mo' HAHAHAHAHAHA!" Pang aasar ni Yumi na ikinatawa ng mga walanghiya kong kaibigan.
Dapat pala hindi ko na sinabi e -,-
"Speaking" sabi ni Yumi.
SPEAKING OF THE DEVIL, THE DEVIL IS COMING!! -,-
Aba't ngiting-ngiti pa ang kumag! Nakakairita talaga.
Habang papunta sya sa upuan nya, i mean sa tabi ko -.- tumingin sya sakin at ngumiti. Inirapan ko lang tsaka dumukdok sa mesa ni Yumi para hindi ko sya makita. -,-
Nung makaupo na sya, tsaka dumating yung adviser namin. Sya first subject?
"Goodmorning class!!"
Umayos na ko ng upo at nakinig.
"Hindi ako yung first subject nyo, mayroon lang mag a-announce. Oh! Para sa mga transferees, sya yung Supreme Student Government Adviser, namumuno sa mga SSG members" tsaka niya tinawag yung adviser ng SSG.
YOU ARE READING
THE STORY OF US (ON-GOING)
RandomMaging masaya, mainspired, matutong magpatawad at magmahal.