**
Bakit ba nandito to?
"Akala ko ba sa library ka pupunta?" Nakayukong tanong ni Chae.
Oo si kumag!
Hindi ako sumagot dahil di naman nya ko gustong kausapin diba? Pwes, kung di nya kayang panindigan ako nalang gagawa.
Tumingin sya sakin ng wala syang makuhang sagot.
Kaya tumayo na ako at kinuha yung gamit ko pero pinigilan nya ko.
"Teka lang mica. Mag usap muna tayo" sabay hawak sa kamay ko.
Binawi ko agad yung kamay ko sa pagkakahawak.
"Diba ayaw mo akong kausap? Anong ginagawa mo dito?" Mataray kong sagot.
"I'm sorry mica. Di ko sinasadya na ganun yung maging asta ko. Sinabi na sakin nila Nics na pinsan mo yung akala kong boyfriend mo. Sorry." Paliwanag nya habang nakatingin ng deretso sa akin.
Hinawakan nya yung dalawang kamay ko ng hindi ako sumagot.
"Uy mica sorry talaga. Sorry. Di ko sinasadya. Sorry din kase iniwan kita kanina, ikaw kase! Tinawanan mo ko. Dapat sinabi mo na agad sakin na pinsan mo pala yun----"
"So ako pa pala may kasalanan?"
"Hindi mica. Uy sorry talaga" pinipilit kong hindi matawa dahil sa facial expression nya. Seryosong seryoso talaga.
Binawi ko yung kamay ko at ngumiti sa kanya.
"Ayos lang yun chae. Basta wag mo nalang ulitin. Nagmuka kaya akong tanga kanina, buti dumating sila Yumi. Napaka salbahe mo!" Sabi ko sa kanya.
"Sorry na nga e. Bakit ka nga pala umalis kanina?" Tanong nya at umupo dun sa bench na inuupuan ko kanina. Umupo narin ako sa tabi nya.
"Ang awkward kase eh. Di ako nakakagalaw ng maayos kapag may hindi ako kinakausap sa isa sa mga kasama ko. Tapos katabi ko pa"
Nakinig lang sya sa paliwanag ko.
"Ikaw kase e. Namo-monggoloid ka na naman. Bakit ba kase ganun asta mo?"
Tumingin ako sa kanya pero binaling nya yung tingin nya sa mga kamay nya at nilaro ito.
"I'm jealous.... and i like you"
**
"Mica! Sabay na tayo" si Cath pala.
Tapos na kase ang class kaya pupunta na kami sa place kung san kami mag pa-practice.
Lumabas na kami ng room kasabay sila Yumi.
Pero humiwalay din silang dalawa ni Lalaine pagdating namin sa gate kase may practice din sila.
Kaming tatlo nalang nila Nics, yung iba nauna na dun.
Patawid na sana kami ng may tumawag sakin
"Mica!" Si derick.
Kasama si Chae.
"Sabay na kami" sabi nya sabay hila kay chae.
Medyo awkward ulit kami dahil kanina.
Nagseselos daw kase sya...
At gusto nya ko...
Buti nalang dumating sina Yumi dahil di ko inaasahan yung sagot ni Chae.
Di ko alam kung bakit ang bilis nya kong magustuhan.
YOU ARE READING
THE STORY OF US (ON-GOING)
SonstigesMaging masaya, mainspired, matutong magpatawad at magmahal.