**
Same Day..."Anong order mo?" Tanong sakin ni Cath.
"Burger nalang tsaka water"
Nandito kaming dalawa sa canteen.
Yes kaming dalawa lang.
Nung pumunta na kase si Chae kanina dun sa pwesto namin habang hinihintay syang MAKIPAG PICTURE SA MGA YUN, nagpaalam ako sa kanila na kakain lang kami ni Cath dahil gutom na kami at hindi pa kami nag aalmusal.
Which is true...
Para na din di ko makausap si Chae.
Nakakainis kaya!!
Pwede naman nyang sabihin dun sa mga yun na
'uy una na ko ah? Hinihintay na ko ng mga friends ko'
Pero hindi e.
So kaya pala hindi sya kasabay ni Jon dahil dun, ang dami na pala nyang oras na nagugugol sa mga yun.
Hindi na rin sya pumunta sa school ground dahil dun..
DAHIL DUN!!!!!
"Hoy ateng! Ang kilay nagiging tulay na naman"
Apaka talaga nito!
Magiging tulay na daw kase nagsasalubong na naman.
Walanghiya sakin!
"Wag mo na isipin yun. Kumain ka muna" sabi nya tsaka inabot yung pinabili ko.
Mabuti pa nga....
"Tapos ka na? Tara na" sabi nya tsaka tumayo.
"Samahan mo muna ako sa cr"
Pagdating namin dun naiwan na muna sya sa labas dahil tatawagan daw muna nya yung jowa nya.
Haynako!
Pumasok na ko sa isang cubicle.
Hindi pa man din ako nakakapag zipper ng pantalon ko ay may narinig na kong mga babae na nagtitilian.
"Omg! Ang gwapo nya oh! Bagay na bagay kami" rinig kong sabi nung isa.
Sinara ko na yung zipper ko at lalabas na sana ng may narinig ulit ako galing sa kanila.
"Kahit mukang pagod si Chae ang gwapo parin"
So sila pala yung mga babae kanina...
Nakinig lang ako sa mga sinasabi nila kahit di ko ugali yun.
"Ang hot pa nya. Kaya nga ko nagsuot ng ganto for him"
"Yea! Me too"
"Sumang ayon pa sya kanina nung tinanong ko kung maganda ba suot natin. Mygash"
FCK!!
"Hindi ba tayo pagagalitan dahil sa suot natin? Diba bawal to? Sabi nung President ng Ssg?" Tanong nung isa kaya di padin ako lumalabas dahil hinihintay ko yung magiging sagot kung sino man sya.
"The hell i care. Ayaw nyang magpasuot ng ganto dahil di nya kayang pantayan beauty natin. Wag syang magreyna reynahan"
Dahil sa sinabi nung babae napalakas yung pagbukas ko ng pinto ng cubicle at nagulat sila nung lumabas ako.
Napaatras pa nga yung isa sa kanila.
Nag cross arms lang ako at tumingin sa kanila, isa-isa.
"Kung akala nyo kaya ko binatas na bawal ang magsuot ng ganyan dahil di ko kayang mag suot ng ganyan, yes! Tama kayo pero gusto ko lang naman na irespeto kayo ng ibang kababaihan and especially yung mga boys"
YOU ARE READING
THE STORY OF US (ON-GOING)
RandomMaging masaya, mainspired, matutong magpatawad at magmahal.