**
Sunday...
Danica: Anong oras micha?
Kryss: Saan?
Cath: Sabay tayo mica.
Magkakachat kami sa gc namin ngayon. Sinabi ko sa kanila na may practice kami bukas.
'After class nalang' reply ko.
Nag agree naman sila. Sinabi ko na din kung saan.
"Ano ulamin natin kee?" Tanong sakin ni mama.
Nasa palengke kami ngayon, kakatapos lang namin magsimba.
"Sinigang nalang ma" sabi ko at tinago na yung phone ko.
"Osige. Uuwi na pala ang tita joy mo"
Natuwa ako sa sinabi ni mama.Yehey! May kasama na kami.
"For good na ba sya satin ma?"
Tumango si mama kaya mas lalo akong natuwa.
"Kasama ba niya sila kuya den tsaka si dek?"
"Oo. Dun sila sa isang kwarto. Nalinis ko na yun kahapon"
HALA YEHEYYYY!!! Si kuya Den at Si Dek yung anak ni tita joy, mga pinsan kong bugok. Hahaha mas close ko si dek kase 2 taon lang ang tanda nya sakin. Si kuya den naman, matanda na yun! Hahaha charot, college palang.
"Ano ngini-ngiti mo dyan?" Nagulat ako sa tanong ni mama.
Nakangiti na pala ako? Haha.
"Excited lang ako ma haha"
**
"Titaaaaa!!" Salubong kay tita Joy ng makarating na sila sa bahay.
"Kuya den" nakipag apir lang ako sa kanya.
"Batak!" Sabay yakap ko kay dek. Hahaha yun kase tawag sa kanya dati ni tita joy nung mga bata pa kami.
"Pogi tawag mo sakin wag batak" nag pogi-sign pa hahaha.
"Kapal mo! Kilabutan ka nga!" Sabay batok sa kanya ni kuya den.
Hahaha di kase sya papayag na si dek lang pogi.
"Aray ah!! Kee ipapakilala ko sayo si Bea. Tara bilis!" Sabay hatak sakin papunta sa sala.
Hahaha di talaga ako na miss ng pinsan ko.
Si tita joy pumunta sa kusina kasama si mama.
Si kuya den naman tumabi narin samin habang naglalaro sa cellphone nya.
"Ganda no?" Tanong ni dek sabay pakita ng pang sampung picture nung bea.
Tumango na lang ako para tumigil na sya sa kakatanong.
**
"Kee gumising ka na daw!!" Si dek naman oh!
"Eto na JEDRIK!! babangon na!" Sigaw ko pabalik.
"Bilisan mo MICAELA! Una na ko! Bye!"
At umalis na sya.Ganyan kami kasweet, gigisingin ka lang with matching full first name mo pa diba?
Naligo na ko tapos nagbihis at tsaka ako bumaba para kumain.
"Morning ma, hi tita"
"Oh kumain na-- Den sumabay ka na samin" tumingin ako sa tinitignan ni mama at nakita ko si kuya den na nakabihis narin.
YOU ARE READING
THE STORY OF US (ON-GOING)
RandomMaging masaya, mainspired, matutong magpatawad at magmahal.