MICAELA's POV
"Mikee!! Gumising ka na! Malelate ka na, First Day of school nyo pa naman" sigaw ng mama ko mula sa baba. Haynako! Oo nga pala. Another school year na nameeeern!!! Anyway highway, let me introduce myself *ehem, ehem* I am Micaela Serniego, but u can call me Mikee/Mikay. 16 years of age. From Bulacannnn!!! Okay na siguro yan no? Mas---
"Mikee!! Ano ba? Gusto mo pa bang buhusan kita ng malamig na tubig dyan para magising ka?" Sabi ko nga diba? Mag aayos na ko? Nagiging dragon na mama ko jusmiyo marimar!
"Gising na ko ma! Maliligo lang ako" -sagot ko. Gusto ko sanang mabuhusan ng tubig para makaligo na ng mabilis kaso ayoko parin. Hanggulo!*after 123413 years*
Nakaligo at nakakain na ko, syempre nag toothbrush nako no -,-
"Ma alis nako! Babush"
"Mag ingat ka, tanga ka pa naman"
Wow naman ma ah? Nakakataas ng confidence. -,-; School
Here i come Lares University! Sabi ko sa isip ko, baka magmuka akong tanga kapag sinigaw ko. -,-"Be mikayyy!!" -si yumi
"Beeeee" - sigaw ni lalaine
Ayan na mga beshies ko na nakalunok ng microphone at speaker. Sinalubong nila ko ng sobrang higpit na yakap. Di naman halata na namiss nila ako e no?"Hindi nyoko namiss" -sabi ko sa kanila. "Sobrang namiss ka namin" -sagot ni nics.
"Miss na miss" pahabol ni riva.
"Osha! Tara na! Tignan natin kung magkaklase ba tayo" - pag aaya ko sa kanila.
"Sana oo" - sabay sabay nilang sabi.
"Sana hindi" - pagbibiro ko
Sinamaan naman nila ako ng tingin "charot lang" sabi ko na ikinatawa nila.
May toyo talaga tong mga to e! Pero infairness, namiss ko tong bonding namin.Nung makarating kami sa bulletin board kung saan may mga nakalagay na grade level at sections, tinignan na namin kung magkakasama ba kami or nahhh.
Pero kamalas-malasan nga naman ni riva at hindi sya nasama samin. Bakit nga naman hindi pa sinama samin? Jusmiyo marimar!
Kaya itong babaita na to nag eemote habang papunta kami sa kanya kanya naming room."Ang unfair huhuhu" pagmamaktol nya. "Bakit hindi nalang ako nasama sa inyo? Huhu may galit ba sila sakin?" Oo nga naman hano. Hays.
"Okay lang yan be, magkikita kita pa din naman tayo e" pagpapalakas ng loob ni yumi kay riva.
"Sabay sabay parin tayong papasok at uuwi" sabi ni lalaine.
"Ang swerte ko talaga sa inyo" masiglang sabi ni riva. Hay! Buti naman at masaya na to.
"Group huuuuug" sigaw ni nics. Nakalunok talaga ng speaker to e. Nag-group hug na kami. Hays sana ganto kami araw-araw.*Kringgggg..... Kringgggggg*
Nag ring na ang bell! Paktay baka malate na kami.
"Osha! Tara na at pumasok na tayo sa room natin! Baka malate tayo." sabi ko sa kanila.
"Tara!" Pagsang-ayon nila.
"Bye riva" pagpapaalam namin.
"Babushh!! See u later" pagpapaalam din nya. Tapos pumasok na kami sa room.Sana maging maayos tong hs life namin!! Last year na namin to sa highschool. Maging best hs life eveeeerrr!!
YOU ARE READING
THE STORY OF US (ON-GOING)
RandomMaging masaya, mainspired, matutong magpatawad at magmahal.