Chapter 3
"Hinay-hinay naman. Tss." tamad at walang ganang pagsuway sa akin ni Nathaniel habang humuhigop ako ng sabaw ng noodles. Paanong hindi ako magmamadaling kumain gayong kanina pa ako gutom.
"Pwede bang humingi pa ako ng isang bowl ng noodles kung hindi naman nakakahiya sa iyo? Akin nalang kaya iyang pagkain mo? Sayang kasi." tinignan lamang niya ako ng masama at hindi ko sigurado kung mga ngit ba ang sumilay sa kanyang mga labi.
"Nahihiya ka pa niyan ah? Sayo nalang 'tong akin dahil mukhang kulang pa saiyo yang kinakain mo." bakit ba kahit nagsusungit si Nathaniel ay gwapo pa rin siya sa aking paningin? Hihi. Iniisip ko palang na kakainin ko ang pagkain niya ay kinikilig na ako! Kung maaari lang gamitin ko rin ang kubyertos na ginamit niya ay gagawin ko. Haha. Indirect kiss yun!
"Anong nginingiti-ngiti mo riyan?" napanguso na lamang ako ng punahin niya ang pag ngiti ko. Palibhasa kasi hindi siya marunong ngumiti!
"Wala! Bumawi ka sa akin ah? Pinag-hintay mo ako ng matagal at hindi mo pa ako naturuan sa Calculus!" pagtataray ko sa kanya habang pasimpleng kinakain ang noodles niya.
"Feeling close talaga. Tss. Naalala ko lang ha? Hindi ba't engineer din ang Papa mo? Sa kanya ka magpaturo." nasamid ako ng maalala ko ang bagay na iyon. Ano ba yan! Bakit ba ang talino ni Nathaniel? Seryoso, naisip niya pa iyon?!
"Iistorbohin ko pa si daddy? Ikaw nalang! Friends naman tayo eh!" basta kailangan siya ang tutor ko! Kailangan ko siya bilang inspirasyon! Hihi.
"Tss. At kailan pa tayo naging magkaibigan?" sinimangutan ko lang siya at mabilis na nginuya ang laman ng aking bibig.
"Basta magkaibigan tayo! Choosy mo naman! Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin? Hindi ba dapat baligtad?" para bang nahuli ko siya sa mga sinabi ko. See? Wala naman siyang dapat ikagalit sa akin. Anong idadahilan niya?
"Kapatid mo pa rin si Arsean." mahina at halos pabulong lamang ang pagkakabanggit niya na iyon ngunit sapat na upang marinig ko.
"Kaya nga. Kapatid ko nga siya at kapatid mo rin. Nasa pagitan natin siya kaya nga dapat maging magkaibigan tayo. Gusto ba ni Kuya na ang dalawang kapatid niya ay magka-away? Tss."
Half-brother ko si Kuya Arsean dahil anak siya ni daddy kay Tita Sheila. Ang alam ko'y hindi alam ni Tita Sheila na buntis siya ng magpasya silang dalawa na maghiwalay na. Kung siguro'y nalaman niya agad na buntis siya ng mga panahong iyon ay baka wala ako ngayon sa mundong ito.
"Isusumbong kita kay Kuya kapag inaway mo pa ako! Bleh!" inismiran lamang niya ako at inirapan. Sus. Takot naman pala kay Kuya! Haha.
"Para kang bata! Tss. Palibhasa spoiled ka kay Arsean." alam ko naman talaga kung ano ang pinaghuhugutan ni Nathaniel at naaawa ako sa kaalamang iyon. Siguro'y naiinggit siya sa kung ano ang meron kami ni Kuya Arsean, lalo na ang dugong nanalaytay sa amin hindi katulad niya.
"Kung nagkatuluyan sana si mommy at ang daddy mo ay isang pamilya na kayo." sabay kaming nagbuntong hininga. Bakit ba ang kumplikado ng buhay ng mga magulang namin.
"Edi pamilya ka pa rin namin?" sarkastiko lamang siyang tumawa.
"Kailanman ay hindi ninyo ako magiging pamilya, maski si mommy." nais ko sanang tapikin siya sa balikat ngunit ayokong matamaan ang ego niya, ayaw niyang kaawaan siya ng kahit sino kaya naman minabuti ko na lamang na ikuyom ang aking kamay upang pigiling haplusin ang mukha ng pobreng si Nathaniel.
"Siyempre magiging---" mabilis ko na lamang kinagat ang aking labi ng muntikan na naman akong madulas. Muntik ko ng sabihin na magiging girlfriend niya ako. Mas lalo akong lalayuan ng supladong 'to kapag nalaman niyang crush ko siya. Goodness! Hindi niya dapat mahalata!
"Magiging?" taas kilay niyang tanong. Duh!! Bakit ganoon?! Mas lalo siyang gwapo kapag nakataas ang kilay! Omg! Nagwawala ang mga kabayo sa puso ko!
"Bestfriend?" wala sa sarili kong saad. Gusto ko ng sapukin ang sarili ko ng maalala na si Janine nga pala ang bestfriend ni Nathaniel! Wala sa plano ko ang ma-bestfriendzoned.
"Alam mo bang ayoko sa lahat ng babae ay iyong mga madaldal?" ipinaglapat ko ang dalawa kong labi ng sa ganoon ay hindi na ako makapagsalita pa. Psh. Palibhasa tahimik at walang kibo si Janine kaya ayaw niya sa kabaligtaran ng ugali nito.
"Hindi ako madaldal Nathaniel, ma-kwento lang ako. Hehehe." nawala ang mga ngiti ko ng sinimangutan lamang niya ako.
"Tara na nga." ako naman ang napasimangot. Ngayon lang kami nakapag-usap ng ganito ni Nathaniel dahil kung nagkikita man kami sa school ay aangilan lang niya ako o kaya naman ay hindi papansinin, dati ay two to three words lang ang natatanggap ko mula sa kanya ngayon ay sentences na! Amazing!
"Ihahatid mo ako ah?" binilisan ko rin ang aking paglalakad ng sa ganoon ay masabayan ko siya.
"May magagawa pa ba ko?" muli ay sinimangutan na naman niya ako namulsa na lamang habang sabay kaming naglalakad palabas sa may parking area. Kahit hindi naman dapat ganito ang plano ko ay masasabi ko paring date ito.
***
"Hi Janine!" masigla kong bati kay Janine ng magkasalubong kami sa may pathwalk. Magka-iba kami ng kurso ni Ja at sa general subjects lang kami nagkakasama katulad ng kay Nathaniel na himalang ibinagsak ang minor subjects.
"Oh Natie." bati sa akin ni Janine na mukhang naghahanda para sa flairing exam niya.
"Wala lang. Nasaan ka nga pala kahapon?" tanong ko sa kanya.
"Ah. Kasama ko kahapon si Nate sa Star City." saglit akong nawalan ng kibo sa sagot niya. Disappointed ako. Nag date pala silang dalawa kahapon kaya nakalimutan niya ang usapan namin. Hay.
"Ikaw saan ka kahapon?" nakangiting tanong ni Janine sa akin habang ako naman ay hilaw at pilit lamang ang mga ngiti.
"W-wala. Sa bahay lang. Sige mauna na ako ha? May klase pa kasi ako." matamis lamang niya akong nginitian at naglakad na palayo sa akin habang ako naman ay naiwang nakatulala.
Kaibigan ko si Janine simula pa noong grade school at ayokong maramdaman ang inggit na ito sa puso ko. Bakit kapag nginingitian niya ako ay hindi ko maiwasang mairita, para bang napaka-plastic niyon sa akin. Ayokong maging katulad ni mommy ngunit para bang naiintindihan ko na kung ano man ang nararamdaman niya.
Mahirap ang maikubli sa likod ng iba. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang tumingin si Nathaniel sa gawi ko at puro kay Janine lamang nakatuon ang kanyang mga mata. Kung talagang gusto siya ni Janine noon pa man ay sana ay matagal na akong tumigil. Sana ay ang gusto mo ay gusto ka rin ng sa ganoon ay wala ng komplikasyon. I don't get it kung bakit maraming nagkakagusto kay Janine gayong selfless ito.
I sound so pathetic and insecure bitch! Pinipigilan ko naman pero para bang wala akong pinagka-iba kay mommy. Ugh!
"Nathalia!" kahit na naiinis pa rin ako sa aking sarili ay nilingon ko pa rin si Nathaniel na humahangos papalapit sa akin.
"Bakit?" ayokong magsungit dahil lamang wala ako sa mood ngunit iyon na ang lumabas sa tono ko na ikinakunot ng noo ni Nathaniel.
"Itatanong ko lang sana kung nakita mo si Janine." para bang nagpanting ang tainga ko ng marinig ko ang pangalang iyon. Janine! Janine! Janine! Kailan ba titigil ang mga tao kakahanap sa kanya? Lalo na itong si Nathaniel. Ano bang role ko? Secretary ni Janine na kailangan kong alamin kung nasaan siya palagi? Hindi ba't kaibigan ang papel ko rito?!
"Hindi ko alam! Hindi ako lost and found! Diyan ka na nga!" stunned at hindi makapagsalita si Nathaniel sa pagsigaw ko ngunit hindi ako matinag ng galit sa puso ko. Hindi lang para kay Janine kung hindi para sa sarili ko rin. Gusto kong patayin ang insecurity na unti-unting nabubuhay sa puso ko. Ayokong magkasala ng dahil lang sa pag-ibig.
to be continued...
BINABASA MO ANG
The Virgin's First Night 7: It Takes Two To Tango
RomanceSi Nathalia at Nathaniel ay mortal na magka-away. Ang birong pagtatanan ay naging makatotohanan. Masasabayan kaya nila ang sayaw ng pag-ibig o ihihinto na lang ang kalokohang pinasok nila?