Chapter 18
Two Years Ago
"Edi huwag mong pakasalan! Bakit ako ba ang may gusto nito?!" I groaned in frustration. This is fucking crazy! Inihilamos ko nalang ang kamay ko sa aking mukha ng mabasag ang boses ni Natie.
Siguro nga ay sumobra na ako at ngayon ko lang napagtanto na napahiya ko siya. Stupid! Stupid! Gusto kong batukan ang sarili ko dahil napaiyak ko si Nathalia, susundan ko sana siya kaya lang ay pinigilan ako ni kuya. Nagbuntong hininga ako at bumalik sa aking pagkaka-upo. Malaking kalokohan ang pagpapakasal na 'to. Ayoko sa lahat ay ang pinangungunahan ako.
Lalaki ako at may paraan ako kung paano mapapasakin ang babaeng mahal ko. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng mommy ni Nathalia para isubo sa ganito kalaking bagay ang kanyang anak. I wanted to marry her but not right now, not in this circumstance. I brought her to my sanctuary because that moment I knew to myself that I already love her. I hope things happen the way I am imagining it pero nagkamali ako. Hindi ko alam na mangingialam si Tita Trinie sa bagay na 'to. Darn! Pumipitik ang ugat sa sentido ko.
Hindi man lang hinayaan na makapagtapat ako kay Nathalia, hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na makapanligaw. Kasal agad! Kung ang ibang lalaki siguro at matutuwa sa bagay na 'to. Aba! Hindi mo na kailangan magpakahirap dahil ibinibigay na mismo sayo ng nanay ang kanyang anak.
"Hindi mo man lang ba susundan si Nathalia?" mataray na tanong sa akin ni Tita Trinie. Hay. Hindi ko alam kung ano ang plano niya but it's working huh? She's too manipulative at hindi ako ang tipo ng tao na mapapasunod niya. Huminga ako ng malalim at tumayo na.
"Hindi ko pakakasalan si Nathalia para lang masalba sa kahihiyan. Pakakasalan ko siya dahil mahal ko siya. Sa susunod MAMA ay sana huwag na kayong makialam." mariin ang pagkakasabi ko noon upang maintindihan niya. Ngumisi lang siya sa akin ng nakakaloko. Ano bang iniisip niya? I can't read it.
"Goodluck son-in-law" umiling na lamang ako at malalaki ang hakbang na tinungo ko ang labas. Sana'y hindi pa nakakalayo si Nathalia.
I'm sorry Nathalia if natagalan ako. Matagal pa bago ko napangalan 'tong nararamdaman ko sayo. I'm sorry for being such an ass you could spank me if you want. Please let me make it up to you, promise me you'll stay and never walk away. Humihingal ako ng maabutan ko siya sa may labas na umiiyak. Pumikit ako ng mariin. She's still look beautiful even in crying! I just want to hug and kiss her right now. I'm sorry my little princess.
"Tss. Ang pangit mo kapag umiiyak, mukha kang palaka!" kinain na naman ako ng pride ko. Hindi ako sweet na tao, minsan lang ako nanligaw sa buhay ko. Mas nasanay ako sa angilan naming dalawa ni Nathalia. Minsan ay naiirita ako sa kakulitan niya ngunit madalas ay lihim nalang akong napapangiti dahil sa kabaliwan niya. Kahit anong pilit kong pagsusungit ay nawawala kapag ngumisi na siya. Isama pa yung giggle. That giggle is like a music to my ear!
"Frog Princess. Simula ngayon yan na ang itatawag ko sa'yo." No. You are my little princess. Ikaw lang. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagsilay ng aking ngiti. Ang cute niya kapag umiiyak, namumula ang pisngi at lalo na ang mga labi niya.
"Tss. Oo na! Pangit na ako kapag umiiyak!" Tangina. Gusto ko nalang hakbangin yung ilang metrong pagitan namin at halikan siya. She even pout her lips. Don't you dare Natie or I'll kiss you!
BINABASA MO ANG
The Virgin's First Night 7: It Takes Two To Tango
RomansaSi Nathalia at Nathaniel ay mortal na magka-away. Ang birong pagtatanan ay naging makatotohanan. Masasabayan kaya nila ang sayaw ng pag-ibig o ihihinto na lang ang kalokohang pinasok nila?