Chapter 4

44.5K 630 49
                                    

Chapter 4

"Sungit!" habol sa akin ni Nathaniel habang naglalakad ako sa may corridor. Ewan ko ba kung bakit bigla kaming naging close, ngayon ko lang din nalaman na bully siya! Busy si Janine sa OJT kaya naman ang madalas kong nakakasama ay itong si Nathaniel, hindi ko nga alam kung bakit niya ako pinagtatiyagaan na samahan.

"Hindi nga kasi ako masungit. Bad mood lang ako nun!" angil ko sa kanya habang siya naman ay marahan lang na natawa. Sana ay noon ko pa nakita ang ganitong side ni Natahaniel, gusto ko ang pagiging boyish niya hindi tulad ng tipo ni Janine na hunk at mahirap abutin. That's what she gets for pursuing Ivan. Habang hindi niya pinapansin si Nathaniel ay narito naman ako.

"Intrams ngayon ah. Manonood ka ba ng game?" kahit na gusto ko pa siyang sungitan ay hindi ko naman siya kayang tiisin. Manonood talaga ako ng game niya at makikipag-away sa mga anti. Haha.

"Oo. Susuportahan ko yung kabilang course. Haha." biro sa kanya habang siya naman ay sinimangutan ako. Wala talagang expressions niya ang hindi gwapo. Lahat ng bagay ay gusto ko sa kanya, kahit ano pa ata ang gawin niya ay mamahalin ko pa rin siya.

"Nasaan na kaya si Janine? Ang sabi niya ay papasok na siya." psh. Janine na naman. Bakit ba kasi hanap pa siya ng hanap sa taong wala naman rito. Hangin ba niya si Janine at kung wala ito ay mamamatay siya? Sobrang clingy naman ng lalaking 'to!

"Baka susulpot na rin yun mamaya. Absent siya kahapon sa first day of intramurals" pilit kong itinatago ang ngitngit sa puso ko.

“Janine! Where have you been? First day of College intramurals kahapon tapos absent ka.” bungad ko kay Janine ng makita ko siya sa kanilang booth.

“Tinamad lang akong pumasok Nathalia. Uhm si Nate?” nag-aalangan pa niyang tanong sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapangiwi. Wala namang ginagawa sa akin si Janine ngunit naiinis ako sa kanya.

“Sakin mo pa tinanong alam mo namang mortal enemy ko yun. Hmm alam ko may laban siya sa basketball ngayon.” tinignan niya ako na parang sinusuri niya kung bakit alam ko kung nasaan ang bestfriend niya. Hindi porke't bestfriend mo si Nate at may gusto siya sa iyo ay ganyan ka ng makatingin sa akin.

“Mortal enemy mo pero alam mo kung nasaan siya ngayon? Wow Nathalia.” palihim na lamang akong napangisi. That sarcastic tone, hindi makakalampas sa pandinig ko iyon. So naiinis din siya sa akin? Selfish bitch, ang gusto niya pala ay sa kanya na ang lahat.

“Ahmm. Basta! Nabalitaan ko lang. Saka nga pala kung sino ang mag champion sa basketball game ay makakalaban ang alumin ng university." pag-iiba ko ng topic. Kahit ba nagpupuyos na ako sa inis ay ayokong magka-initan kami. Malay ko ba kung ano din ang iniisip niya sa akin, mainam na iyong silent war kami.

“You mean yung varsity players na graduate na?!” If I know gusto lang niyang makita iyong matagal na niyang gusto na si Ivan.

“Yup! Mukhang malakas ang laban ng college namin thanks to Nathaniel. Pursigido nga siyang manalo eh.” dagdag ko pa. Hindi ko ipinagmamayabang si Nathaniel lalo pa't nararamdaman ko kung bakit siya pursigido.

Honestly speaking ano bang meron si Janine at dapat pag-agawan. Yes! Insecure na ako kay Janine! I just don't get it kung bakit nababaliw sa kanya si Nathaniel. Bakit hindi na lang kasi niya makita kung sino ang nasa tabi niya. Sana ay gusto ka nalang din ng gusto mo ng sa gayon ay walang kawawa at walang naiiwang nasasaktan. Unfar masyado!

Tumao ako sa Wedding booth at nakita kong napadaan si Janine. Hindi ko na sana siya tatawagin at hayaan siyang maglakad-lakad nalang ngunit natakot ako na makita niya si Nathaniel at magka-usap sila. Mahirap silang paglayuin ngunit ano ba naman iyong kaunti at simpleng paraan.

The Virgin's First Night 7: It Takes Two To TangoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon