Chapter 2

50.8K 670 34
                                    

Chapter 2

Nagising ako sa munting silid ni Janine dito sa kanyang bar, napasapo na lamang ako sa kumikirot kong ulo ng maalala ang pagsigaw ko kay Nathaniel.

Ang plano ko ay uminom lamang ng kaunti dahil sa nalaman kong balita hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko para ituon ang galit ko kay Nathaniel. Wala naman talagang kasalanan si Tita Sheila sa lahat ng nangyayari sa pamilya ko pero siya pa rin ang sinisi ko. Ugh! Ano ba 'tong ginawa ko! Sa ginawa'y ko ay siguradong mas maaasar sa akin si Nathaniel.

Naiiyak ako sa kabaliwang ginawa ko at kasabay pa noon ang problema sa bahay. Ayokong umuwi sa amin, ayokong makita na unti-unting nasisira ang pamilya ko. Kaynino ba ako dapat magalit? Sino ba ang dapat kong sisihin sa lahat ng ito? Sa nakaraan ba? Kay mommy ba? Hindi ko na alam.

"Alas-kwatro ang tapos ng klase mo hindi ba?" hindi man lamang ako tinignan ni mommy habang busy siyang nagtatype sa kanyang laptop. Isang reporter si mommy at masasabing kong sikat siya sa Pilipinas man o ibang bansa. Maganda at maayos nga ang trabaho niya pero ang tanong masaya ba ang pamilya niya? Naiinis ako sa kanya at ang masakit hindi ko kayang tagalan iyon dahil mahal ko siya.

"Dumaan ako kay Janine at nakatulog ako roon." nakita ko ang pagdaan ng inis sa magandang mukha ni mommy. Pati ba naman sa mga anak ng kaibigan ni Tita Sheil ay aayawan niya? Saan pa ba ako lulugar?

"Hindi ko maintindihan Nathalia kung bakit pilit mong isinisiksik ang sarili mo kay Janine. Anak siya ng kaibigan ng Tita Sheila mo, isang pamilya sila kung tutuusin. Hindi ka kasama sa mga iyon." kaswal lang ngunit batid ko ang gusto niyang iparating sa akin.

"Bakit hindi ako pwedeng makipag-kaibigan sa kanila? Lahat nalang ba ng related kay Tita Sheila ay aayawan ninyo? You know what, ikaw ang hindi ko maintindihan. Hindi na healthy yang pagiging insecure mo." pilitin ko mang maging mahinahon ay hindi ko magawa. Sawang sawa na ako sa ganito! Hindi ako parte ng kahit sinong buhay? Ano kami?

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa iyo na kailanman ay hindi ako insecure kay Sheila. Ex-wife lang naman siya ng daddy mo. Tss." kahit anong tanggi niya ay hindi niya ako mapapaniwala.

"Pwes ipakita mo naman mommy na nagkakamali ako. Pulos Sheila na lang ang naririnig ko. Sana tanungin mo naman kung kamusta ang araw ko o kung kumain na ba ako." lalagpasan ko na sana siya ng maalala ko ang papeles na ini-abot sa akin ng aming family lawyer.

"Kung kampante ka bakit kailangan ninyong mag file ng annulment? Wala na akong pakialam kung maghiwalay man kayo o hindi, mainam na rin iyon ng makahinga na si daddy. Nakakaawa na si daddy. Nakakaawa na ang sitwasyon namin dito sa bahay mo Mahal na Reyna." ayokong saktan si mommy pero sana naman ay bumalik na ang lahat ng senses niya ng sa ganoon ay malaman niya kung ano ang itinitapon niya.

Padabog akong humiga sa kama at hindi na napigilan pa ang pag-alpas ng aking mga luha. Hindi ako tutulad kay mommy na isang talunan, hindi ibig sabihin na nasa iyo ang lalaking mahal mo ay panalo ka na. Masasabi mo lamang na ikaw ang panalo kung ang lalaking iyon ay masaya at kuntento kasama ka.

Ilang segundo ko munang ipinikit ang aking mga mata bago maisipang bumangon at imbes na kumain ay mag-aral na lang. Napangiti ako ng makita ang notebook ni Nathaniel at hindi ko maiwasang mapangiti at kiligin, niyakap ko pa iyon at aamuy-amuyin. Haha. Naalala ko noong highschool ay ninakaw ko ang panyo niya sa kanyang bag at inaamoy-amoy ko iyon at kikiligin. Hahaha. I'm some kind of fetish.

Laking dismaya ko ng sa pagbuklat ko ng kanyang notebook ay puro pangalan ni Janine ang nakasulat roon, iba't-ibang laki at ang iba ay naka-bold pa halatang sa buong klase ay si Janine lamang ang laman ng kanyang isip. Hay. Hindi bale, saan ba at pangalan ko rin ang ilalagay niya sa notebook na ito. Hindi naman ako titigil sa pagmamahal ko sa kanya.

"Salamat nga pala Nathaniel sa pagpapahiram ng notebook mo. Sorry din sa nangyari kahapon. I didn't mean it! Promise! Peksman! Cross my heart! I lov---" napatutupo na lamang ako sa aking bibig. Muntik na akong madulas.

"Uy sorry talaga! Kalimutan mo nalang yun! Please!" sinadya ko siyang abangan sa huli niyang klase para lamang mag sorry. Baka mamaya ay madagdagan ang inis niya sa akin at mas lalo niya akong iwasan. Nagulat na lamang ako ng hinawakan niya ang ulo ko at tinapik-tapik iyon.

"Kumakain ka ba? Ang payat mo." hindi ako makapagsalita sa sagot niya. Ang akala ko sisigawan na naman niya ako o iismiran lang niya. Pinagdikit ko ng mariin ang mga labi ko ng sa ganoon ay hindi ako mahalatang kinikilig kahit pa gusto ko ng mag cartwheel. Iba talaga ang feeling kapag napapansin ng crush!

"Uhm. Oo naman." hindi ako nakakakain sa bahay kaya naman dito ako sa school ngunit hindi naman siguro ako ganoon kapayat.

"Sige. Alis na ko sunduin ko pa si Janine." saglit lamang ang care sa tono niya at napalitan na naman iyon ng kanyang panlalamig. Akala ko pa naman pero hindi ako dapat mawalan ng pag-asa.

"Nathaniel, pwede mo ba akong turuan sa Calculus?" sa likod ko ay pinaglalaruan ko ang sarili kong daliri. Hindi ko siya matawag na Nate kahit na gusto ko dahil ayokong isipin niya na feeling close ako.

"May lakad ako bukas." nagningning ang maganda kong mga mata sa sinabi niya. Ibig sabihin kung wala siyang lakad bukas ay tuturuan niya ako! Omg! Hindi na masama diba? Atleast pumasok sa isip niya na turuan ako at hindi niya ako direktang tinanggihan. Nakakailang puntos na ba siya ng pagpapakilig sa akin? Gusto ko na lamang magtatakbo palayo sa kanya at ilabas na ang kilig ko. Haha.

"Ayos lang! I mean, kung anong oras ka matatapos bukas ay maghihintay ako." ayokong ipaalam ang excitement ko pero hindi ko maitago iyon sa tono ng pagsasalita ko. Ugh. Baka mahalata niyang may gusto ako sa kanya.

"Sige. I'll let you know." tipid niyang tugon at nilampasan na ako. Sa sobrang saya ko ay saka ko lamang naalala na wala pala akong number niya at siguradong hindi rin niya alam ang akin! Damn!

"NATHANIEL! HIHINTAYIN KITA SA MAY STARBUCKS - FORT! KAHIT ANONG ORAS!!" sigaw ko sa hindi pa nakakalayong si Nathaniel. Itinaas niya ang kamay niya at nag-wave. Psh. Suplado talaga, hindi man lang lumingon sa akin. Chance ko na'to!

Wala akong ideya kung anong oras matatapos ang lakad ni Nathaniel kaya naman minabuti kong alas-kwatro ng hapon pumunta sa may Starbucks. Wala pa akong sapat na kapal ng mukha upang kuhanin ang number niya kaya naman makikiramdam na lamang ako kung kailan siya makakarating. Inaliw ko muna ang sarili ko sa libreng wifi at paglalaro ngunit kalaunan ay nabagot din ako.

Ilang oras pa akong naghintay hanggang sa abutan na ako ng gabi at ulan. Tama pa bang hintayin ko siya? Baka naman nakalimutan na niya. Hay. Iyon nga lang baka magtaka siya kapag wala ako rito kung sakaling darating man siya.

Kanina pa ako ginugutom at nahihiya na rin ako dahil kanina pa ako tinitignan ng crew dito. Ugh. Tumayo na ako nagpasyang sa labas na lamang maghintay. Malamig sa labas pero hindi ko ininda iyon kahit pa na medyo nababasa ako ay hihintayin ko pa rin si Nathaniel.

“Bakit mo pa ako hinintay? Kakahatid ko lang kay Janine buti napadaan ako rito kaya naalala ko.” Kinagat ko ang labi ko ng sa ganoon ay hindi umalpas ang mga luha ko. Isa sa mga pangit sa akin ay iyakin ako. Mababaw ang luha ko kahit saang bagay. Kaya naman pala hindi niya ako naalala dahil kasama niya si Janine, kailangan ko pa sigurong magpasalamat dahil nadaan siya dito at naalala ako.

“Tara na at ihahatid na kita.” Suminghot ako bago ko sinalubong ang gakit niyang mga mata at lumambot lang ang kanyang hitsura ng makita ang mga namumuong luha sa aking mga mata. Giniginaw ako at nagugutom tapos ngayon ay sisigawan pa niya ako.

“NAGUGUTOM AKO! NAGUGUTOM AKO! ALAM MO BANG HINDI PA AKO KUMAKAIN BUHAT KANINA! ANG SAMA MO!” hindi ko na napigilan pa ang umiyak, hindi ko nalang pinansin ang ilang pagmumura niya. Huhuhu. Sobra na ito! Hinintay ko na nga siya.

“Nagugutom ako! Huhu.” Parang bata kong pagmamaktol habang siya naman ay hindi makapaniwala sa akto ko. Hindi niya maiintindihan ang gutom ko.

to be continued...

The Virgin's First Night 7: It Takes Two To TangoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon