Chapter 25

36.5K 699 50
                                    

Chapter 25

"Look I'm sorry. I was wrong. Please, patawarin mo naman na ako Nathalia." mataman ko lamang na tinitigan si Nathaniel habang inaalok niya sa akin ang dala niyang tulips. Ilang araw na rin niya akong sinusuyo ngunit hindi ko siya pinapansin.

“Sige darling, pinagluto kita. Ano pa bang gusto mo? Hm?” kung sa ibang pagkakataon ay baka kiligin pa ako sa mga pinapakita ni Nathaniel.

Noong isang araw pa niya ako sinusuyo. Siya pa nga ang gumawa ng assignments and blueprints ko. Kung ganoon rin naman lagi nalang akong magtatampo sa kanya. Hatid-sundo rin niya ako sa school o kaya sa OJT kaya kung minsan ay nahihiya na rin ako kapag tinutukso ako ng mga kaklase ko. Anila ay sobrang sweet daw ng asawa ko at huwag ko daw masyadong kinakawawa. Tss.

“Pagkatapos kong kumain hugasan mo ‘tong pinagkainan ko.” Walang gana kong saad. Nag-smirk nalang ako ng makita ang pamimilog ng mga mata ni Nathaniel. Di mo naman pala kaya eh.

“Ano? Sige ako nalang gagawa.” Mainam rin pala na buntis ka kulang na lang ay siya pa ang ngumuya ng kakainin ko. Haha.

“Teka lang naman, mamalantsa pa ko ng uniform mo.” Palihim akong ngumiti at tumango. Pinag-day off ko kasi ang katulong namin kaya naman siya ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Hindi ko naman talaga siya inuutusan ngunit siya naman ang nagkukusa. Bahala siya sa buhay niya basta ako wala ng pakialam pa sa kanya.

Sa sama ng loob ay hindi ko na nasabi ang pagbubuntis ko. Alam na niya siguro kaya naman ganito siya makasuyo sa akin. Kung hindi naman ako buntis ay baka iwan na niya ako dahil narealize na niya na si Janine pa rin ang kanyang mahal. Like what my father did. 

Nagpatuloy lang ako sa paggawa ng assignments ko. Hindi pala ako makaka-graduate on time dahil kailangan kong huminto ng isang sem lalo na kapag lumobo na ang tiyan ko. Sayang dalawang sem nalang sana ay makaka-graduate na ako ng college. Ininom ko nalang ang gatas na nasa tabi ko at hindi na pinakinggan pa ang mga litanya ni Nathaniel.

Minsan hindi sapat na mahalin ka ng isang tao dahil lang mahalaga ka sa kanya. Kailangan mo munang malaman kung ano ang pagkakaiba ng mahal sa mahalaga. Nasaan ba ako roon? Mahal nga ba niya talaga ako o mahalaga lang ako sa kanya dahil asawa niya ako at ngayon ay magiging ina ng anak niya? Masakit na ang ulo at dibdib ko kakaisip sa mga bagay na 'yon. Nagmamahal lang ako, napapagod din.

"Ano bang gagawin ko Natie para patawarin mo na ako? Hindi na talaga ako makikipagkita kay Janine, kung gusto mo hindi ko na rin siya kakausapin o papansinin. Don't do this to me darling." iniwas ko ang aking tingin sa nagsusumamo niyang mga mata. Natatakot akong kapag tumingin ako sa mga mata niya ay maging tanga na naman ako.

"Alam mo hindi ko naman inasahan na mapapalapit ako sayo. Hindi ko rin inasahan na mamahalin kita ng ganito. Pero hindi ko rin inasahan na masasaktan ako ng ganito. I love you so much Nathalia! Mababaliw na ako kakaisip kung paano mo ako paniniwalaan. Sana this time magtiwala ka naman." kumirot ang puso ko sa mga sinasabi niya pero para akong pipi. Hindi ko kayang sabihin ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako ng sobra, hindi ako makahinga.

"Can't you see? We're slowly drifting apart and that kills me on the inside! I don't know if you'll ever know that. Nagsisimula pa lang tayo Nathalia! Nagsisimula pa lang tayo sumusuko ka na!" huminga ako ng malalim at lumabas ng bahay at tinungo ang swimming pool.

I need some air. I'm fuckin' pregnant and I've been with roller coaster mood swings! It is driving me crazy! Nagseselos pa ako at maraming issue sa buhay. Pagod na pagod na ako! Hindi ko na napigilan pa ang pag-iyak. Damn! Ano bang nangyayari sa akin? Mababaliw na ata ako! Gulong-gulo na ako. 

The Virgin's First Night 7: It Takes Two To TangoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon