Chapter 23
"Congratulations Mrs. Cueva! You're 4 weeks pregnant." magkahawak-kamay kami ni mama She habang pinapakinggan ko ang maingay na heartbeat ng baby ko. Magiging mommy na ako! Naiiyak ako at wala sa sariling hinaplos ang impis ko pang puson.
"Hindi naman malala ang morning sickness mo hija?" tanong pa sa akin ng doctor habang nireresetahan niya ako ng vitamins at gatas.
"Nahihilo lang po ako at bihirang magsuka. Antukin po ako pero pagdating ng gabi ay hirap akong matulog." wala si mommy dahil nasa America siya kaya naman ang kasama kong nagpa-check up ay ang biyenan ko.
"Mabuti naman at hindi ka katulad ng ibang babae na malala ang morning sickness. Para maiwasan ang pagsusuka bago ka bumangon ay kumain ka muna ng crackers. It will help you para mabawasan ang discomfort mo sa pagbubuntis. Sa ngayon ay inumin mo yung mga nireseta ko sayo mainam yun para sa development ng baby." paliwanag pa ng doctor. Para akong nasa cloud 9 kaya hindi ako sigurado kung natandaan ko ba lahat ng bilin ng doctor.
Tinurukan pa niya ako sa aking braso at sabi niya uulitin daw niya iyon after 4 weeks. Tetanus chorva ata yun. Hindi ko na matandaan. After magpa check-up ay kumain kami sa labas ni mama She. Kami palang dalawa ang nakakaalam niyon at sabi niya huwag ko daw munang sabihin kay Nathaniel dahil panigurado ay magmamadaling umuwi 'yon at baka maaksidente pa sa sobrang excitement.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magiging parents na kaming dalawa. Ibibigay ko sa anak namin ang isang perfect family. Hindi ko ibibigay sa kanya yung naranasan ko sa parents ko. Hindi na maiinggit si Nate dahil magkakaroon na kami ng sariling anak. Alam kong magiging mabuting ama si Nathaniel. Naiiyak ako sa sobrang gratitude!
"Ganyan din ako noong una kong nalaman na buntis ako. I'm so happy for you Natie!" yakap sa akin ni mommy habang hinihimas ang puson ko.
"40's palang ako ngunit magkaka-apo na ako. Haha. Feeling ko tuloy ang tanda ko na." biniro ko pa si mama na baka masundan pa nila ni daddy si Kuya Arsane pero natawa lang siya. Nasayang yung panahon, ilang anak na kaya ang mayroon sila kung noong una palang ay sina ang nagkatuluyan?
"Marami po ba kayong "What if's" nung naghiwalay kayo ni daddy?" heto na naman. Hindi na talaga maaalis ang curiousity ko sa kanilang dalawa. Mahal naman kasi nila ang isa't-isa hindi ko matanggap na mas pinili nilang maghiwalay at magsimula ng bago sa iba.
"Madami din pero siyempre hindi na natin mababago ang mga nangyari na. Kaya kayong dalawa ni Nathaniel kapit lang kayo. Kahit gaano karaming pagsubok huwag kayong bibitiw." paano nga naman kapag sobra na? Kahit gusto mo pang kumapit kung masakit na talaga I think tama lang na bumitiw na. Ganoon rin siguro ang gagawin ko sa amin ni Nathaniel.
Huminga ako ng malalim at pilit na inalis sa isipan ko ang bagay na 'yon. Bakit ko naman iisipin yun? Mahal ako ni Nathaniel at heto nga't magkaka-anak na kami. I'm overthinking again. Ugh! Ngayon ang uwi ng asawa ko kaya naman nagpatulong ako kay mama She na magluto. Haha. Ayokong murahin na naman ni Nathaniel ang luto ko at mapagkamalang nilagang baboy ang sinigang ko. Hahaha.
Mana kasi ako kay mommy na walang alam gawin sa bahay. Tatlong taon na akong kasal ngunit hindi ko pa rin matutunan kung paano maging housewife. Haha. Hindi ko naman kasi akalain na mag-aasawa na ako at the age of 18! Nakakaloka lang! Pero kung hindi siguro ako inayang magtanan ni Nathaniel ay baka wala ako ngayon rito.
Buong mag-hapon ay nagluto lang kami ni mama She. I'm so excited! I miss my husband! Dalawang gabi rin akong walang katabi sa kama and I admit iba kapag wala siya sa tabi ko. I feel so empty and alone without him. Dalawang araw nga lang kaming magkahiwalay ay miss na miss ko na siya forever pa kaya?
BINABASA MO ANG
The Virgin's First Night 7: It Takes Two To Tango
RomanceSi Nathalia at Nathaniel ay mortal na magka-away. Ang birong pagtatanan ay naging makatotohanan. Masasabayan kaya nila ang sayaw ng pag-ibig o ihihinto na lang ang kalokohang pinasok nila?