Chapter 6
"Tigilan mo na nga yang paglalasing mo!" sita ko kay Nate habang inaagaw ang bote ng brandy sa kamay niya. Napa-smirk na lamang ako habang humahandusay si Nathaniel sa kama niya.
"Nagkakaganyan ka ng dahil kay Janine? Kita mong nagpabuntis na nga siya sa iba!" tulog na si Nathaniel at kahit maputulan man ako ng ugat sa leeg ay hindi niya ako pakikinggan. Frustrated akong napa-upo sa tabi niya at hindi na napigilan pa ang pag-iyak.
"Hindi ka nga niya mahal! Ano ba?! Nandito na nga ako Nathaniel! Nandito ako!" sinuntok suntok ko ang walang kalaban-laban na si Nathaniel habang patuloy ang pag-iyak ko. Nasasaktan ako dahil nagkakaganito ang lalaking mahal ko. Damn! Bakit ba ang tanga niya?! Bakit ang bulag niya?!
"Sino ka ba ha? Wag mo ngang pagsalitaan ng ganyan si Janine ko!" wala sa sariling sigaw ni Nathaniel habang niyayakap nito ang unan.
"Tanga mo Nathaniel! Ewan ko ba kung bakit nagmamahal ako ng isang katulad mo!" asik ko sa kanya at ibinato ang unan sa mukha niya. Kainis! Kung batuhin ko kaya siya sa ulo ng sa ganoon ay magising naman siya sa katotohanan?
That slut! Akala mo kung sinong mahinhin tapos magpapabuntis pala at sa mas matanda pa sa kanya ha?! Ang nakakatawa lang hindi siya pinanagutan ni Ivan. Akala niya kasi kung sino siyang magandang pinag-aagawan! Dapat lang sa kanya ang nangyari. Tsk. Ano ngayon? Hindi siya makapagpakita sa mga taga Malaya dahil naka-umbok ang tiyan niya. Buti nga sa iyo Janine mabuti na rin yan para alam mo kung saan ka lulugar.
Wala ka ng mukhang ihaharap dito sa Maynila kaya dapat lang na lumayo-layo ka. Mukha nga akong masama at kontrabida sa buhay niya. Lagi naman! Si Janine ang mas maganda, si Janine ang mas maraming manliligaw, si Janine na mahinhin at marami pang iba. Ano? Nagpabuntis lang siya at the age of eighteen. Damn! Haha. Totoo nga pala ang kasabihang "Even the best fall down sometimes" Well sorry nalang siya!
Iniwan ko na si Nathaniel na mahimbing na ngayong natutulog sa kanyang kama. Tss. Paano ba ang gagawin ko sayo Nate? Paano ba kita i-aahon sa pagkakahulog mo kay Janine? Hindi ko alam kung saan at paano magsisimula. Hinayaan ka niyang mahulog ngunit wala naman pala siyang balak saluhin ka. Naiinis ako sa katangahang ginagawa mo pero hindi kita masisisi dahil ginagawa ko rin yan ngayon.
"Damn!" inirapan ko na lamang si Nathaniel habang panay ang hilot niya sa kanyang ulo.
"Iinom ka pa?" mataray kong tanong sa kanya habang inaabot ko ang pain reliever. Hindi naman kita matiis. Ugh!
"Hay. Si Janine alam mo kung nasaan?" tinaasan ko lang siya ng kilay at umiling habang siya naman ay nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
"Hindi mo siya obligasyon Nathaniel. Desisyon na niya ang lumayo. What are your plans? Aakuin mo ang responsibilidad?" natatakot akong tanungin ang bagay na iyon dahil natatakot ako sa isasagot niya. Alam kong masasaktan ako. Kahit ako ang nasa tabi niya ay kapakanan pa din ni Janine ang iniisip niya.
"Pwede." nanlaki ang mga mata ko ng makumpirma ang iniisip ko. Baliw ka na talaga Nathaniel.
"Kahit mag-prisinta ka pa hindi rin mangyayari. She doesn't love you. Hindi ikaw ang kailangan niya bakit hindi mo na lang 'yon tanggapin." padabog kong kinuha ang mga gamit ko at akma ng tatayo ng pinigilan niya ako.
"San ka pupunta?" tanong niya habang ako ay hindi makatingin sa mga mata niya. Baka kapag tumingin ako sa nagsusumamo niyang mga titig ay mawala ang inis ko. Kailangan muna niyang umayos kaysa parehas kaming nasasaktan, ayoko siyang nakikitang ganito. Masakit!
BINABASA MO ANG
The Virgin's First Night 7: It Takes Two To Tango
Lãng mạnSi Nathalia at Nathaniel ay mortal na magka-away. Ang birong pagtatanan ay naging makatotohanan. Masasabayan kaya nila ang sayaw ng pag-ibig o ihihinto na lang ang kalokohang pinasok nila?