Last Chapter

46.5K 809 56
                                    

Last Chapter

"Good morning, beautiful" ngumisi ako ng bumungad sa akin ang tulips na nakatabing sa mukha ni Nathaniel. Huminga ako ng malalim at umayos ng pagkaka-upo sa hospital bed.

"Suking suki ka na ng flower shop ha?" biro ko sa kanya ng makalapit na siya sa akin.

"It's okay. Para naman 'to sa maganda kong asawa." I grinned at him and accepted the flowers. Two weeks na akong naka-bed rest at hindi umaalis sa tabi ko ang asawa ko.

"Kung pwede nga lang punuuin ko 'tong room mo ng tulips ay gagawin ko. Eto na pala yung pinabili mong alimango. Baka naman magkaroon ng sipit anak natin niya." tuwang tuwa kong kinuha ang isang supot ng alimango mamaya ay lalantakan ko 'yon. Haha.

"Eto na rin pala yung tshirt ko. Tss. Ako nalang yung amuy-amuyin mo darling. Nakakaselos na yung tshirt eh." tumawa ako ng malakas ng nag pout siya. Ang cute niya! Pinisil ko ang pisngi niya at pinangigilan ang tshirt niya. Gusto ko kasi yung amoy ng shirt niya.

"Malakas ang kutob ko magiging kamukha ko ang anak natin. Ang gwapo niyan pag nagkataon!" I just rolled my eyes and laugh hard. Mukhang siya nga ata ang pinaglilihian ko. Nagmamaktol kasi ako kapag pumapasok siya sa opisina at naiiwan ako rito tuwing umaga kaya sa huli ay nag leave nalang siya at lahat ng trabaho ay dito niya ginagawa. Mas naging spoiled ako ngayon sa asawa ko and I'm loving it.

"Sana maging kamuka 'to ni daddy para gwapo." pinandilatan ako ni Nathaniel at pabiro akong kinurot sa braso.

"Anong gusto mong palabasin na pangit ako? Tss. Mas gwapo ako kay papa 'no." halos maiyak na ako kakatawa ng parang batang humalukipkip si Nathaniel at animo nagtatampo.

I was blinded with my insecurities that I falied to realize how a shitty person I am. Hindi ko nakita kung gaano niya ako kamahal. Ang swerte ko lang talaga na despite sa lahat ng kabaliwan ko ay nariyan pa rin siya. I won't live with my insecurities anymore. Natauhan ako ng muntik ng mawala ang baby namin. Ang sbai ng doktor ay magpasalamat kami dahil malakas ang kapit ng bata. Dalawang linggo akong pinagpahinga at binigyan ng gamot pampakapit ng bata. Naiyak ako sa sobrang relief. Baka mabaliw na ako kapag nawala pa ang baby namin.

"I love everything about you Natie. I love your imperfections. I love every inch of your body. Kahit minsan baliw ka. Damn! Alam mo bang may picture ka sa wallet ko? Kapag marami akong ginagawa titigan ko lang 'yon and masasabi ko sa sarili ko "Eto ngang babaeng 'to nakayanan ko ang kabaliwan yung ibang problema pa kaya?"" he grinned at me at umirap ako. Kakainis.

"I'm just kidding. Hahaha." sumimangot nalang ako. Natutuwa nga ako dahil kahit madalas akong magtampo at magsungit ay pinatatiyagaan pa din niya ako. May dapat pa ba siyang patunayan? Tama naman siya. Baliw ako. Haha.

Nang dalawin nga ako ni mommy ay pinagalitan niya ako ng husto. Aniya'y tinutulad ko daw ang sarili ko sa kany. Ilang pangaral pa kaya ang kailangan ko para tumatak na sa kakarampot kong utak lahat ng sinasabi nila? Nag-away pa nga sila ni Mama She dahil dinadagdagan daw ni mommy ang stress ko. Haha. Hindi na talaga sila magkakasundo ngunit natutuwa ako dahil civil naman sila kapag magkasama.

Inilahad ni Nathaniel ang kamay niya sa akin kaya naman nangunot ang noo ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay. He gave me boyish grin and I can't help myself by giggling. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin  ako sa kanya. Nagbalik pakiramdam noong college palang kami. Nahuhulog pa rin ako sa kanya na paulit-ulit at ngayon may sukli na lahat. Muntik na siyang mawala sakin. Pinalalamigan ako tuwing naiisip ang kahibangan ko.

The Virgin's First Night 7: It Takes Two To TangoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon