Chapter 9

37.4K 561 36
                                    

Chapter 9

Nagdaan ang mga araw at hindi pa rin tinitigalan ni mommy ang pamimilit nito na ikasal ako. Ilang araw na din akong iniiwasan ni Nathaniel sa tuwing nakikita niya ako ay naiinis siya sa akin. Hay. Anong gagawin ko? Pumayag na si Tita Sheila sa gustong kasal ni mommy ngunit alam kong hindi pa rin niya makita ang katwiran sa bagay na 'yon. Dahil sa simpleng birong iyon ay nagulo ang mundo namin.

"Ang ganda ng gown na 'to hija." excited na untag ni mommy habang inilalapit sa akin ang kanina pa niyang binabasa na magazine. This is insane! Malaking kalokohan ang kasal na 'to! Hindi ko alam kung anong ipinainom sa akin ni mommy para pumayag sa kanyang kabaliwan.

"Ikaw nalang mamili. Tss. Saka civil wedding lang naman diba?" Gusto ni mommy na magkaroon kami ng church wedding ngunit isang malaking kasalanan 'yon sa harap ng Diyos at mamaya masunog pa ang mommy ko sa loob ng simbahan. Inirapan ko na lamang siya at inagaw sa kanya ang magazine.

Natuon ang pansin ko sa simpleng white gown na sa tingin ko ay siyang tinutukoy ni mommy. Simple lamang 'yon ngunit sumisigaw ang pagka-elegante niyon. Hay. Kung maisusuot ko lang sana 'yon sa kasal ko. Sa tuwing nakikita ako ni Nathaniel ay ipinaparamdam niya kung gaano niya kinamumuhian ang kalokohang kinasangkutan naming dalawa.

Actually kung iisipin siya naman ang nagdala sa amin sa ganitong sitwasyon! Bakit kailangan niya pa kasing ipag-sigawan na magtatanan kami! Ayan lumalabas pa tuloy na pinipikot ko siya. Ugh! Ikakasal ako sa edad na eighteen?! Aba ni hindi pa nga nagiging Cup C ang boobs ko ay ikakasal na ako! Hindi pa nga ako naaawat sa panonood ng Inu Yasha ay mag-aasawa na ako. Gosh!

"Magiging masaya ka sa kanya Nathalia." inakbayan ako ni mommy at hinalikan ako sa noo. Nagbuntong hininga ako at umiling. Una pa lang ay mali na ang kasal na 'to tapos sasabihin niya na magiging masaya ako kay Nathaniel? Kung tingnan nga niya ako ay para bang ibang tao ako.

"Believe me. Ina ako at alam kong mahal mo siya. Hindi man ngayon pero malay mo matutunan ka rin niyang mahalin." natutunan ba ang pagmamahal? Hindi ba dapat kusa 'yong dumarating? Bakit sa koreanovela nagka-titigan lang yung dalawang bida tapos nahulog na sila sa isa't-isa. Hmp. Ako nagluha na mga mata ko kakatitig kay Nathaniel ay wala pa rin.

"Huwag na kasi nating ipilit 'to mommy! May oras pa naman para mag backout!" niyugyog ko si mommy baka sakaling matauhan siya at magising sa kabaliwang ginagawa niya ngunit inirapan lang niya ako.

"Magtigil ka! Tumayo ka na riyan at mag-ayos dahil may family dinner tayo kasama ang mga Cueva. Dalian mo!" wala na akong nagawa dahil kahit magtatalon man ako ay hindi pakikinggan ni mommy ang side ko. Manipulative talaga!

"Mommy! Eighteen palang ako! Bawal nga ako mag boyfriend di ba?" umaasa akong bumalik na sa tamang katinuan ang mommy ko ngunit ngumisi lang siya at tumango.

"Ah! Oo nga pala! Pero hindi kita pinagbawalang mag-asawa. Okay? Now, go!" isinenyas ni mommy ang kanyang kamay na para bang pinapaalis niya ako habang siya naman ay prente lamang umupo sa malambot naming couch at uminom sa kanyang orange juice!

Argh!! Ginulo ko na lamang ang buhok ko dahil sa frustration. So makakatanggap na naman ako ng matatalim at malalamig na titig mamaya kay Nathaniel! Kung nakakamatay lang ang titig niya'y malamang double dead na ako!

Hindi ko ma-imagine kung ano ang magiging buhay namin lalo na at magkakasama kami sa iisang bahay. Tiyak na maya't-maya kaming mag-aaway. Gosh! Naalala ko noong isang araw. Nag-away kami ng dahil sa oreo! Gusto ko lang naman yung cream ng oreo tapos sinasayang ko daw yung pagkain. Matanda talaga! Tss.

The Virgin's First Night 7: It Takes Two To TangoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon