CHEN'S POV
"Dont leave yet, I'll give my answer now"
Lahat ay nagtinginan kay Algin na ngayon ay nakatayo sa harap ng lahat, napayuko ako at huminga ng malalim, dahil alam kong kahit ano mang maging sagot nya masasaktan parin ako
Walang kahit sino mang. nagsasalita, lahat ng atensyon ay nasa kanya, tumingin ako kay Xiumin Hyung at nakita kong nakayuko sya, siguro ang alam nya ay ako ang pipiliin ni Algin
"I'll choose you…"
Bumilis ang tibok ng puso ko, siguro ay di ko kayang marinig ang magiging sagot nya, dahil alam kong masasaktan ako ng sobra
"Xiumin Oppa"
Tumingin ako kay Hyung at nakita kong gulat na gulat syang napatingin kay Algin, napangiti sya ng malapad at dali daling tumayo at niyakap sya…
Ngumiti ako at sinubukang pigilin ang luha ko, tumingin sakin si Algin at mapaklang ngumiti, pero sinuklian ko sya ng matamis na ngiti, atleast masaya na ngayon ang bestfriend ko, wala nang dahilan para mag-away kami
"Yown! congrats hyung!"-masayang sabi sa kanya ni Kai
"Haayyy, kala ko di ka na makakapili eh"-si Jizelle naman ang nagsalita
"Yah! Algin! you make alaga Xiumin Oppa ah?"-nakangiti rin na sabi ni Lerry
"Lalaki pa talaga ang kaylangang alagaan?"-and as ussuall, nakahanap nanaman ng mababara si Cj
"Depende naman yan, pero sa totoo lang, babae talaga ang nag-aalaga sa lalaki, pag mag-asawa na sila"-sabi ni Chanyeol habang diretsong nakatingin kay Lanescha na nakikipagkwentuhan kay Diana
Nang maramdaman ni Lanes na lahat ay nakatingin sa kanya ay bigla syang humarap
"Huh?"
Biglang nagtawanan ang lahat nang ganun ang iresponse ni Lanescha, wala siguro syang kaalam-alam
Lumabas na ako sa EC dala dala ang bag ko, dumiretso ako sa kotse ko at wala nang sinayang na oras, nagdrive na ako pauwi
"Please, kung mahal mo ako gagawin mo ang gusto ko"
Naramdaman kong unti-unting tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan, masakit na makitang na ang babaeng pinakamamahal ko ay nasa kamay na ng ibang lalaki, pero masaya ako na makitang masaya na ang bestfriend ko
"Xiumin Hyung, lahat ng ginagawa ko ay para sayo…"
Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at sineryoso ang pagmamaneho, wala na akong magagawa ngayon, ang gusto ko lang ay maging masaya ang dalawang taong pinakamamahal ko
---
LANESCHA'S POV
"Kimmi ayos ka lang ba?"-bungad ko agad kay Kimmi nang makalabas kami sa EC
"Huh? oo naman"-clueless na sagot nya
"Diba nagselos sayo si Baek? nag aalala ako baka awayin ka nya"-sabi ko
Napahagalpak naman sya ng tawa habang hawak hawak pa ang tyan nya, pinapanghampas nya pa sa braso ko yung kanan nyang kamay, yung totoo? masyado syang masaya? (-_-)
"Babe will never do such a thing, and one more thing, ako yung nang aaway sa kanya, haha, nag-iisip nga ako kung paano ako magsosorry eh"
Tumigil na sya sa pagtawa at dumiretso na ng tayo, nakakunot naman ang noo nya habang pinaglalaruan nya ng kamay nya ang lower lip nya, ganyan ang mannerism nya kapag nahihirapan sya mag-isip
BINABASA MO ANG
Life In Royal Academy (EXO FanFic)
Fanfiction12 guys and 9 girls people who is known as the Elites Students One Troll, One Warfreak , One Chubby , One Bitch Guy , One Sweet Girl , One Flowerboy , One Young Hearthrob , One Model , One Forgetful , One Hot Guy , One Ice Princess , One Smart Lead...