Meata
Grabeng talak ang inabot ko sa mga kaibigan ko pagka gising namin kinabukasan . Buti na lang at wala kaming pasok kasi Sunday non kaya nakipag bonding pa kami .
"Naghahanap ka pa ng lalaki eh si Keev naman pala ata ang tinutukoy mo" pang aalaska ni Ays .
"Susko pareho na kayo ni Maricar na in love". Si Nica
"Oy hindi ako in love noh." Asik ko na kinatawa nila
"Ay si ateng halata" . tawa sila ng tawa
"Anyways Masarap?" Tanong ni Jessica
"Ang alin?" Sabay naming tanong ni Maricar .
"Ay pa-virgin!" Si Jessica ulit sabay irap
"Jessica!!!!" Sabay-sabay naming sigaw . Wala talagang filter ang bunganga . Kababaeng tao pati nyan manyak .
"He he piece". Sabi ni Jessica sabay Peace sign
"Ikaw umamin ka nakatulog kaba talaga kagabi o minamanyak mo lang si Matt?" Tanong ni Ays habang lalong naniningkit ang mata.
"Hmmm.. He he".. Alam na namin ! Nagtulug-tulugan lang sya .
"Oy hindi ako ang topic dito , pero bakit parang nasa hotseat na din ako?" Naiinis na sabi ni Jessica
"M.U na yan si Jessica at si Matt eh". Singit ni Frances
" as in Mutual Understanding?" Parang kinikilig na tanong ni Rachel .
"Hindi". Sagot ni Cza
"Eh ano?" Tanong namin ni Maricar
"Malading Ugnayan. Haha" si cza na nakanguso pa Kay Jessica nang tingnan namin may kinakalkal sa phone habang humahagikhik .
Today pupunta kami sa ni Keev sa Orphanage na kinalakihan ko . Gusto ko syang ipakilala sa mga tanong nagpalaki sa akin .
Tinawagan ko nga sila Sister Belle kagabi para ibalita na uuwi ako ngayon . At excited na daw silang makita ako .
"Okey ka lang?" Tanong ko dahil parang pinagpapawisan sya kahit naka tapat naman sa kanya ang aircon ng kotse nya .
"Yes . I Love you Meata" . sabi nya sabay ngiti sa akin .
More then three months na din ang relation namin so far may mga tapmuhan na naganap pero hindi natatapos ang araw na hindi namin naayos . Weekly din may arrangement kami para hindi mamiss ang isa't-isa , This week sa kanya ako makikitulog next week sa kanya naman ako makikitulog pag Sunday naman araw namin yun ng mga kaibigan ko kaya dun kami natutulog sa bahay nila Maricar .
May mga babae padin na nagpapa-cute sa kanya but still he make sure na hindi sya gagawa ng kahit ano na ikakaselos o ikakagalit ko . Sabi ko nga sa kanya "as long that you know you're priority and limitations walang kaso sa akin" . Nag boyfriend ba naman ako ng gwapo tapos
Magpapaka possessive ako . I know my limitations as his girlfriend kaya hanggat yun pa lang kami wala akong reason para pag bawalan sya sa mga gusto nya ."I love you more." I said smiling widely
Halos tanghali na ng makarating kami sa Orphanage . Tuwang-tuwa sila sister ng makita ako . Kahit ang mga bata ay natuwa matagal narin ng huli akong makipaglaro sa kanila . Sabay-sabay kaming kumain ng tanghalian .
"Pwede ko bang makausap ang nobyo mo iha?" Tanong ni Sister Belle
"Oo naman po , makikipag laro lang po muna ako sa mga bata" . Paalam ko sabay takbo papunta sa mga bata na naghahabulan .
"Careful babe". Sigaw ni Keev bago tuluyang umalis kasama si Sister Belle.
Keev
"Pwede ko bang makausap ang nobyo mo iha?" Tanong ni Sister Belle
"Oo naman po , makikipag laro lang po muna ako sa mga bata" . sagot ni Meata sabay takbo papunta sa mga bata na naghahabulan .
"Careful babe". Sigaw ko bago tuluyang umalis kasama si Sister Belle.
Two weeks ago nung sinabi ni Meata na pupunta kami dito para ipakilala ako sa mga madre na nagpalaki sa kanya ay kinabahan na ako .Makilala kaya nila ako ? Ilang taon na din ang lumipas , sana pag nalaman nya ang totoo mapatawad nya ako .
Masaya ako na going strong ang relationship namin . May mga times na hindi kami nagkakasundo or nagkakatampuhan normal lang naman yun we will make sure na hindi matatapos ang araw na hindi kami magkakaayos .
She's one of my priority and ayokong sirain yung tiwala nya sa akin that's why ako na ang umiiwas sa mga makakasama sa akin especially sa relation namin ." Kamusta kana iho?" Tanong ni sister belle pag dating namin sa office nya
"Huh?" Yan na lang ang lumabas sa bibig ko .
"Alam kong ikaw yung bata na yun . Yung mga mata mo , yung tingin mo sa kanya mula ng dalhin mo sya dito hanggang ngayon ay ganon parin." Akala ko hindi nya na ako maalala .
"Alam naba nya?" Tanong nya ulit sa akin habang nakatingin sa mga bata na naglalaro sa labas tuwang-tuwa naman si Meata habang nakikipag habulan.
Iling lang ang naisagot ko .
"Natatakot ka ." hindi yon tanong . Oo sobrang takot ako sa posibleng manyari baka magalit sya sa akin ..Isa na lang naman ngayon ang kinakatakutan ko .
ANG MAWALA SYA SA AKIN.
"Madaming mga memories nya ang hindi nya maalala". Kaya siguro hindi nya ako namukhaan nang lapitan ko sya sa bar.
" Sabi ng mga doctor pinilit nya daw burahin sa utak nya lahat ng hindi magagandang ala-ala . Naalala ko nung mag college sya sabi nya may mga napapanaginipan daw sya masamang panaginip .Pero ayaw nyang ikwento sa akin". Naalala ko nung unang beses ko syang halikan pati nung natulog sya sa room ko iyon na siguro ang tinutukoy ni sister .
"Wag kang matakot na sabihin sa kanya ang totoo . Magdasal ka . Kung sakaling sabihin mo na sa kanya lahat maging bukas sana ang isip at puso nyo . Para sayo maging bukas ang puso at isip mo na tanggapin ang posibleng mangyari kung hiwalayan ka nya dahil sa nangyari isipin mo na pagsubok lang ito kasi kung talagang mahal ka nya kahit gaano kasakit ang malaman nya pag naghilom ang sugat babalik sya sayo dahil kayo ang nakatadhana sa isa't-isa."
Tama si Sister belle dapat kong tanggapin kung ano man ang maging desisyon ni Meata pero isipin ko pa lang na umiyak sya.
****.
Kapit lang .May masasaktan na :D
-Hacej
YOU ARE READING
TM SERIES : MEATA CHUI
RomanceMeata Chui An orphan who love her friend . She love her camera And she love to drunk . Keev Dela Cruz A handsome billionaire . She's in love to the girl from his past . Time comes at magta-tagpo ulit ang landas nila .