Chapter Eight

385 3 0
                                    

Parang hindi kakayanin ng 10 chapter lang ito  .haha

Enjoy reading .

Please Vote and Comment
-Hacej

****
Meata

Mabilis lumipas ang panahon naming mas lalong naging sweet and caring si Keev . Habang tumatagal lalo akong naiinlove sa totoong sya .

Sila Sister Belle din natuwa sa kanya dahil sobrang galang daw . Naalala ko bago kami umalis sa orphanage kinausap nya din ako.

"Kamusta kana? Ang laki na ng pinagbago mo. Ibang-iba kana sa dating meata na tahimik lang". Tanong sa akin ni Sister Belle habang nakatanaw kami kila Keev at sa mga bata na nagkekwentuhan .

"Maayos naman po." Simpleng sagot ko.

"Ang mga panaginip mo?". Tanong nya ulit

" Ganon pa din po." Hindi ko na lang kwinento na may mukha na ang lalaki sa panaginip ko .

"Napaka swerte mo sa nobyo mo .Mula noon hanggang ngayon hindi sya nagbago." Nagtataka man ako sa sinasabi nya hindi na ako nag tanong . "Tandaan mo iha maging  bukas sana lagi ang puso at isip mo, kung may magawa mang hindi maganda si Keev tandaan mo hindi nya intension ang saktan ka." Sabi ni Sister at nagpaalam din kami ng araw na yun na kailangan na naming umuwi .

Bukas naman ako na bukas ang puso at isip , ganon nila ako pinalaki ang wag mag tanim ng galit kahit gaano pa kasama ang ginawa nila sayo . Kung ang diyos nga kayang magpatawad ,bakit hindi din nating  gawing mga anak nya.

On the way kami ni Keev ngayon sa bahay mismo nila , sa bahay ng magulang nya .

Isang malaking bahay ang sumalubong sa amin , may mataas na gate , may hardin  at may malaking swimming pool pagpasok mo naman sa loob ng bahay dalawang palapag ang bahay nila . Sa baba may sala, kitchen at ilang  kwarto . Sa taas naman may mga kwarto at terrace.

"Naku po Keev ,ikaw naba iyan?". Tanong ng isang matandang babae pagka pasok namin sa loob .

"Hello Nana , namiss po kita." Sabay yakap nya din dito ."Ang tagal na ng huli kitang nakita." Naiiyak na ito  habang yakap pa din si Nana Lucia na siya pa lang nag-alaga sa kanya . "Naku may kasama ka pala, pasensya na nadala lang ako matagal-tagal na din kasi ng huli kaming nagkita nito masyadong nagsipag sa trabaho ang bata na ito ."

"Na , si Meata po future wife ko." Nakangiting sabi ni Keev . Nakita ko namang nanlaki ang mata ni Nana Lucia ng ipakilala ako ni Keev . Maya-maya pa ay nagsimula na itong umiyak at niyakap ako .

"Tinupad mo ang pangako mo iho , tinupad mo". Nagtataka naman ako sa narinig ko . " Ano pong ibig nyong sabihin?" Nagtatakang tanong ko .

"Hindi nya pa alam?" Sabi ni Nana Lucia umiling naman si Keev . "Sige na ipaghahanda ko kayo ng makakain mag-usap muna kayo."

Dinala ako ni Keev sa isang kwarto . May malaking kama , cabinet at sofa sa tabi ng cabinet may portrait din sa ding ding isang batang lalaki at isang may edad na nalalaki pareho silang nakangiti sa picture ..

Yung sofa familiar yung lalaki na kasama ng batang lalaki sa picture . Nanlaki ang mata ko sa pumasok sa isip ko .

"Yes , that's my father ." sabi ni Keev na Akala mo ay nababasa ang iniisip ko . Hindi nya sinasadya iyon naka drugs sya that time . Dipress pa sya" . nagsimula na syang umiiyak habang nagkikwento . Pinikot ko na lang ang mata ko "Maging bukas sana ang puso at isip mo". Naalala ko ang sinabi sakin ni Sister Belle . " Sobrang syang nagsisi , pinatay nya ang sarili nya dahil sa nagawa nya sayo" . Akala ko madali ko lang matatanggap kung ano man ang sinasabi ni Sister Belle . Ang sakit pala patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa patakbo akong lumabas at naghanap ng masasakyan .

TM SERIES : MEATA CHUIWhere stories live. Discover now