Foundation Week

974 17 11
                                    

*Note: ang basa po dun sa name ni Mayc ay .. MEYSI hindi po MAYK haha! Natawa ko sa ni BabyyBlue ehh  =D*

----------------------------------------------- 

Diane’s POV

Sa wakas dumating na ang pinakahihintay ng lahat… ang foundation week.. ang daming booth dito sa covered court … may jail booth , horror booth, photo booth .. at kung anu ano pang booth… 3days tong nandito. 3rd day may dance at singing contest  bukas ang battle of the bands, ang favorite naming hehe! Kasali kami dun ehh.. nuod kayo ha?! ^___________^

Nandito kami nina Mayc ngayon sa acasia iniintay naming ang demonyitang si Clarsh malapit lang kasi ito sa gate at sa Covered court kaya dito kami palaging naghihintayan.. ang tagal talaga nung babaeng yun ,, siguro nag-OT na naman yun sa kakalaro ng online games  ^_^

“haaay! sa wakas nandito ka nadin!” sabi ni Mayc , hinampas pa nya yung braso ni Clarsh..

“araaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay! Kabayong sadista!” whahaha! Natawa talaga ko dun grabe! Pati si Thine

“tumawa pa kayong dalawa malilintikan kayo!” sabi ni Mayc samin ni Thine! Tinaas pa nya yung kamao nya ! eh ang liit naman!

“bakit anong gagawin mo? Tirisin kita dyan eh! dwarfina!!!” pangaasar ni Thine..

“Diane si Ralph!!!!”grabe naman tong si Clarsh! Sabay turo pa sa likod ko.

Paglingon ko nandun nga si Ralph…

“hi diane..” sabi ni Ralph kahit nasa section sya ng matatalino close na kami nito… naging close kami nung …

--------flashback----------

Poster making contest ngayon …. At ako ang representative ng section naming.. bakit? Napagtulungan  ako nung tatlo! T_T mas magaling pa ngang magdrawing sakin si Clarsh.. tapos ako ituturo.. tamad lang talaga kasi gumawa yung babaeng yun….

“Shit!” narinig ko… galling sa likod ko yung boses… paglingon ko may gwapong lalaki , maputi , ka-height ko matangos ang ilong.. ang pula ng lips at kahit malaki ang mata ,, gwapo pa din…

“Shit! Sa dami dami ng maiiwan yung crayons ko pa!” bulong nya..

“eto oh gamitin mo muna” ^____________^ sabi ko… alam ko competition to pero kawawa naman .. saka ang pogi pa nya… hahaha!

“pero---“

“ops!no buts!” ^___________^ putol ko sa sinabi nya..

 simula nun medyo close na kami..

-------------end of flashback--------------

“hello” sabi ko>///< eeeeeeeeeeeeehh! Di ko talaga maiwasang magblush! Crush ko sya ehh.. alam din yun nina Clarsh kaya pati sila parang sinisilihan ang pwet at nagkakagulo… mga di mapakali mas kinikilig pa sakin…

Nakatayo lang kami dito para kaming tanga… ang awkward na..

Biglang may humawak sa braso ko at braso ni Ralph..

Then I realized …

O_O

OMG!!

Pareho kami ng shirt

Kaya eto hinihila kami ng members ng marriage booth at etong sina Clarsh.. nakasunod lang ngiting ngiti pa…..

My Playboy Lover [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon