"Umayos na kayo!" sigaw ni Mr.Gonzal sa mga studyante... nagprapraktis kami ngayon para sa Graduation... Daming arte! haha! pero ok lang sa wakas gragraduate nadin kami.... pero medyo malungkot din...
"ok..Sino may kabisado ng hymn?" tanong ni Mr.Gonzal
"Si Clarsh po" Ay putik! ako pa talaga napagtulungan ng mga classmate ko hinanap ako ni Mr.Gonzal.. kaya nagtago naman ako... asa ka pang mahanap mo ko halos 200 yata kami dito... bakit kasi kinanta ko pa sa harap ng mga kaibigan ko yung Hymn ng school namin ayan tuloy nalaman nila na kabisado ko na.. hinila ako ng mga classmates ko papuntang stage... ayyy bwiset na yan...
"sige na kantahin mo samin.." utos ni Mr.Gonzal
"ehhh ser hindi po ako magaling kumanta" yun ag tingin ko.. wala akong panama sa mga singer namin dito no!?
"Sige na" ok.. wala na talaga kong magagawa.... kaya kinanta ko nalang ang hymn... ang tahimik ng buong paligid... umeecho ang boses ko sa buong covered court ..
Pagkatapos kong kumanta.... naghiyawan ang lahat... >///< nakakahiya..
"whoooo!!! ang galing!" huh?! ako?! magaling?! yung pagkanta ko?? hindi nga?! wow natuwa naman ako
"ang galing mo kanina Clarsh..." Sabi nung mga classmate ko..
"thank you" ^_____________^
--------------
"oy alam nyo na ba ang news?" Simula ni Thine..Nandito kami sa paborito naming ice cream parlor..Maaga kasi natapos ang practice ngayon kaya eto nagchichillax kami.....bonding-bonding...
"pero bago yan... pasalamatan muna natin ang sponsor nating si Clarsh..sa panlilibre satin ng banana split" tama si Mayc naholdap na naman nila ko... pero ok lang lagi naman sobra ang allowance ko ehh..
"oo nga pala!" pagsangayon ni Diane,, na parang ngayon lang narealize na nilibre ko pala sila...
"thank you!!!!" sabay-sabay pa yung tatlo
"thank you kayo jan... utang yan hahahaha!"
"ano na nga yun Thine?" tanong ulit ni MayC bago pa lumayo ang usapan...
"break na si Mark at Elly" Kahit kelan talaga tong si Thine dakilang tsismosa.. pero sa totoo lang di na ko apektado sa mga balita tungkol kay Mark.. ewan ko ba...
"Wala ka yatang reaksyon Clarsh?" uy! napansin ni Diane..
"uhh.. bakit? anu bang dapat?"
"nye! eh kasi po kadalasan magrereact ka kagad,, kasi dati marinig mo pa nga lang na si Mark ang paguusapan nagrereact ka na ehh" paliwanag ni Thine..
"Siguro nga.. hmm hayaan nalang natin" sabi ko nalang ,sana nga wala na ...hindi ko din kasi alam.. baka kasi sa oras na landiin ako ni Mark, bumalik na naman..
----------------
Graduation day na.. Ang bilis talaga ng araw...
Kasama ko ang nanay at tatay ko...Nakita ko sina Diane bagay sa kanila yung toga namin.. at yun din naman ang sabi nila sakin...Nagsimula at natapos ang program na wala akong naintindihan..haha! actually hindi ako nakinig.. Pero masaya ako at graduate na ko.. hinanap ko sina Diane..naggroup hug kami saka nagbabye sa isat isa... tapos pumunta na ko sa pwesto ng nanay at tatay ko para umuwi..
"uhh.. Clarsh!" lumingon pati ang nanay at tatay ko ng marinig nila na lalaki ang tumawag sakin..
"bakit?" tanong ko sa kanya..
"uhhmm.. Sir.. pwede ko po bang makausap sandali si Clarsh?" tanong ni Mark
"sige" sagot agad ng tatay ko.. tumingin sya sakin... yung parang maguusap tayo mamaya..
"bakit?" tanong ko kaagad kay Mark..
"I Love you Clarsh.. simula pa nung third year.." teka?! What?! tama ba naririnig ko?? ano to?
"wag mo nga kong nilolo-"
"hindi kita niloloko.. pls patapusin mo muna ko .... simula pa nung third year gusto na kita.. balak sana kitang ligawan pero naging kayo ni Genesis.. kaya napilitan akong ligawan si Emily...akala ko malilinutan kita... pero hindi pala... nung susubukan sana ulit kitang ligawan.. naalala mo yung Blue Roses na nasa table mo araw-araw?" teka! hindi ko maabsorb!
"sayo galing ang mga blue roses?" tanong ko,,
"oo akin galing yun, nagsinungaling si Neil.. october 19 hindi ko pa din nalilimutan ... ang araw na nalaman ko na mahal mo pala ko..liligawan sana ulit kita nito lang nung umalis si Neil kaya lang.. naipit naman ako sa pustahan namin..." anu ba ito?! talaga bang ang lalaking matagal ko nang mahal.. ay matagal naring nagmamahal sakin?
"teka diba may anak kayo ni Emily?" bigla kong naalala..
"hindi totoo yun... pakulo lang ni Emily lahat yun" naguguluhan talaga ko... lalo akong naguluhan..
"so anung ibig mong sabihin?"
"Mahal kita!"
Mahal kita....
Mahal kita...
umeecho pa sa isip ko...
"kaya lang Mark.." alam ko kung ano lang ang gusto nya sa mga babae... kabisado ko sya... hindi parin ko nagtitiwala
"Liligawan kita.... sa ayaw at gusto mo.. gusto ko lang patunayan.. na kaya kong magbago para sayo" >///< hindi ko pa rin talaga kinakaya mga pangyayari... at lahat ng sinabi ni Mark..
hinatid nya ko kung san nakapark ang kotse namin...totoo nga ang sinasabi sa isang quote na nabasa ko sa internet... "It's a rule in Life that everything you've always wanted will come the very second you stop looking for it"
(a/n: tutuloy ko pa ba? tinatamad na ko ehh ^^v don't forget to Vote )
BINABASA MO ANG
My Playboy Lover [completed]
Teen Fictionhindi akalain ni Clarsh na Playboy ang magiging first love nya... at higit sa lahat di nya akalain na ang Playboy na ito.. ay torpe .. torpe..? bakit nga ba? (ay ewan!)
![My Playboy Lover [completed]](https://img.wattpad.com/cover/1529550-64-k919497.jpg)