Christmas

919 17 9
                                    

*note: sabihin nyu lang kung umoOA na hahah! wala na talaga kong maisip XD

----------------------------------------------

Thine’s POV (hi mga beh namiss nyo POV ko?)

“hi Clarsh good morning” bati ko kay Clarsh…

“ohayou gozaimasu” ahaha! Alam ko iyan! Good morning ang ibig sabihin nyan..Haponesang tsina na naman ang lola mo n______n nababad na naman siguro ito sa panonood ng anime..

 “oy guys may plano na kayo sa Christmas?” tanong ni Diane kagulat naman itey bigla nalang sumusulpot..kabute teh?

“hmm,,pupunta kami sa mga lola ko..” sabi ni Mayc isa pa to bigla nalang sumusulpot.

“kami din may reunion sa mga tita ko.” Sabi ko naman..

“ako din ehh… ikaw Clarsh?” sabi ni Diane.

“wala..” =_=  yan sagot ni Clarsh mukang wala sya sa mood .. bakit kaya?

---------------------------------------

At sa wakas Christmas party na din dito sa school… nakagawian na to dito ,tuwing magkri-christmas vacation ang bawat section ay may kanya kanyang partey… yeah chibog na naman itey!

“ok guys ang unang lalaruin natin ay trip to Jerusalem..” pasimula ng president namin na si Jhay… sya din ang host ng party ..

“kaya lang lalagyan natin ng twist , girls lang ang iikot sa mga chairs habang ang boys nakaupo dun.. ang mananalong pair ay makakatanggap ng cute na keychain na to”  .. uhmm! Panalo ang keychain .. maliit na lalaking devil at girl na angel .. tapos may hawak silang tigkalahati na heart na pag pinagdikit mo.. mabubuo… ang kyowt!

“omg ang kyuuuuuuuuuuuuuuuut!! “ sabi nitong si Clarsh .. sabi na bet na bet nya yan.. anime ehh..

“chibi yung drawing na yun diba?” sabi ni Mayc.. ahh chibi pala tawag, aba malay ko ba sa mga ka-ek-ekan yan.. hahahah!

“Sasali ako..” wow ha! Kala ko ba wala syang sasalihang palaro. Echosera to

“Akala ko ba wala kang sasalihang palaro?”  yun oh tinanong na ni Diane..

“eh gusto ko nun ehh!!!” = 3 =.. pacute pa si Clarsh oh haha!

“ok punta na lahat ng sasali sa gitna..”  sabi ni Jhay…

Pumunta na si Clarsh aba! Desidido ang lola mo!

Palaging nakakaupo si Clarsh aba desidido talaga.. hahahahah!

Tapos ayun dalawa nalang yung natitira.. si Genesis at si Mark

Halatang halatang nalilito si Clarsh .. pano ikaw ang papapiliin sa ex mo o sa playboy mong crush.. namumula pa nga sya ehh..

Tumigil yung sounds..

Uupo na sana si Clarsh kay Genesis pero..

Kinapitan ni Mark ang bewang ni Clarsh saka sya hinila paupo sa kanya…

>///< ß mukha ng lola niyo hahaha! Nangamatis sya ehh…

Masyadong mabilis ang pangyayari si Genesis ,si Mark , si Clarsh at ako lang ang nakapansin…

Hahahha! Kinikilig talaga ko..

My Playboy Lover [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon