Linggo ng madaling araw ay nagising ako ng mas maaga sa oras na napagdesisyunang kailangan lahat na kami gising.
Lumabas ako ng aking kwarto at mukhang tulog pa si Attorney.
Pumunta ako sa bintana at humilig muna doon para tignan ang madilim pa na kalangitan.
Yung mga kahoy na natupok para sa bonfire na ginawa namin kagabi ay umuusok pa rin, patunay na ang nagawa naming apoy ay malaki at malakas. A proof that everyone really enjoyed the last night.
Matapos ang pagmumuni-muni ay kinuha ko na ang damit pamalit ko at pumunta na ako sa paliguan dito at naligo na. Noong unang naligo ako sa isang kubo ay nanibago talaga ako. Syempre ay de-tabo at walang heater kaya sobrang lamig. Pero ngayon, na-enjoy ko na dahil nakasanayan ko na.
Matapos ay nagbihis na rin ako at medyo tinuyo ang buhok gamit ang tuwalya.
Lumabas ako ng paliguan at no sign pa rin na gising na si Attorney. Inayos ko na ang mga gamit ko muna bago lumabas ng kubo dala dala ang dalawang balde at pumunta sa malapit na poso at nag-igib.
Siya lagi ang nauunang maligo sa amin simula nitong medical mission. Hindi dahil pinapauna ko siya o gusto nyang mauna, ngunit pag nagigising ako, ay ayos na siya. Tuwing gano'n ay laging may igib ng tubig para sa akin. Kaya ngayon ay ako naman ang mag-iigib.
Pinump ko ng pinump ang poso hanggang sa mapuno ko ang dalawa.
Binuhat ko ang unang balde at buti nakaya ko naman. Medyo malaki kasi iyon at inakala kong mahihirapan ako.
Binaba ko sa bukana ng pintuan ang balde nang maramdamang humapdi ang palad ko dahil sa manipis na hawakan ng balde.
Pero nang bubuhatin ko na ulit ang balde ay may kamay na kumuha dito kaya napatingin agad ako sa bagong gising na si Attorney.
Umuwang ang bibig ko dahil sa pagkamangha. Ngayon ko lang kasi unang nakita ang bagong gising na itsura niya.
Ang gulo ng buhok niya pero bagay pa rin sa kanya. With his white shirt and shorts? He still looks good.
Even Gael has that kind of effect. What's with them? Nasaan ang hustisiya!? Samantalang ako mukhang si Sadako pag nagigising.
"Ako na sana ang nag-igib nito." aniya at dinala na ang balde doon sa paliguan. Natawa ako sa sinabi niya at sinundan siya doon.
"Well, I can so I did." Sabi ko.
Nakataas ang kilay niya nang tumingin sa akin. I know that expression, iniisip niyang nagsisinungaling na naman ako.
"Ano? Pinahinga ko lang ang palad ko doon kasi humapdi, hindi dahil nabigatan ako."
Nilagpasan niya ako, walang sinabi, at lumabas ng kubo. Lumapit naman ako sa bukana ng pinto at pinagmasdan siyang kunin ang natirang balde doon sa poso at binuhat yun ng walang kahirap hirap.
Tumabi ako nang makalapit siya para makadaan.
Hindi na ako sumunod at hinintay na lang siya.
Nang makalabas siya sa paliguan ay nakita ko ang pagtingin niya sa buhok kong basa.
"You're up early." aniya.
"Ah, yeah. Nagising ako ng maaga at hindi na makatulog so..." Pagsisinungaling ko.
Balak ko talagang magising ng maaga para pagmasdan lang sana ang paligid dahil huling araw na namin dito.
Tumango siya.
Sinuklay niya ang magulo niyang buhok gamit ang kamay niya. Napauwang na naman ang bibig ko.
Napaiwas ako ng tingin. Why is he making me feel this way? Anong nangyayari sa akin?
BINABASA MO ANG
The Boy Who Can't Give Attention
Romance"The moment I first met him, I realized it will be hard for me to make him notice me because he hates me. I know and I'm sure. And as my feelings grow more, I'm wanting his attention even if I know he doesn't give it easily, especially to me. I want...