18th #TBWCGA

526 8 0
                                    

Nang lumabas kami sa washroom at nakitang andoon na si Attorney at ang kasama nya ay halos bumalik ulit ako sa loob kung hindi lang ako pinigilan ng dalawa.

"Gosh, why am I in this situation right now?" Tanong ko sa sarili ko.

"Relax, Gale. He didn't know naman na magkikita kayo, e." Si Eve.

Napairap na lang ako sa sitwasyon ko at ako ang naunang bumalik sa aming table.

I really should have stayed in my condo unit and finished my painting instead.

Mukhang pinakilala na ni Jonas sila Attorney sa mga kaibigan namin na nasa table.

Galing sa pakikipagkamayan kay Greg ay tumingin sa akin si Attorney at nagtama agad ang paningin namin.

Nagkunwari akong hindi ko alam na pupunta siya at pinakitang nagulat ako.

"Attorney!" I exclaimed a little bit.

Nakita kong nagkatinginan yung apat. Yeah, I'm a good actress, huh? Tss.

"Miss Azurin." He said, acknowledging me.

"Girls, this is Delta Romualdez and Cirrus Isaac, my colleagues," si Jonas. "And of course, kilala mo na pala si Isaac, Gale?" Si Jonas.

Tss, you are part of the plan too!

The woman is so beautiful. And she is also an attorney. Bagay na bagay sila.

"Ah, yeah, our parents are friends. Hindi ko alam na magkakilala pala kayo ni Attorney." Sabi ko sa kanya, may diin sa huling pangungusap.

Ngumisi siya sa akin at kumibit-balikat. Kung hindi lang nakatingin si Delta at Attorney, inirapan ko na ito.

"Hi, I'm Gale Azurin. Nice to meet you." I greeted and offered my hand to Attorney Delta.

Tinanggap niya naman at ngumiti siya sa akin.

"Hi, I'm Delta. It's a pleasure to meet you!"

Ngumiti ako. Maging sila Caroll at Eve ay nakipagkamay kay Delta.

Tumingin si Delta sa kanyang katabi matapos ang kamayan habang umuupo na kami.

"I almost forgot that Judge Perry and Tito Timo are friends, Cirrus." Narinig kong sabi ni Delta kay Attorney.

Napaiwas ako ng tingin. Cirrus, huh? Iilan lang ang tumatawag sa kanya noon. At ang iilan na iyon ay importante sa kanya.

Naging maingay ang table namin. Kaliwa't kanan ang topic at kahit isa, hindi nagawi ang tingin ko sa harap ko, which is where Attorney and Delta are sitting. Most of the time, they are talking and whispering to each other. Imagine that view? Tss.

Dumaan ang trenta minuto na nasa table lang kami, nag-aya si Caroll na sumayaw.

Mas gusto ko iyon kaysa nakaupo lang dito at hindi mapakali kaya tumayo na agad ako. Tumayo na rin sina Caroll at Eve.

Tumingin ako kay Attorney na nakatingin na rin pala sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya ngumiti na lang ako sa kanya.

Nagsayawan kaming tatlo at tawang-tawa kami sa ginagawa. May iba rin kaming mga kaibigan na sumabay sa aming tatlo kaya mas lalong masaya.

I accidentally looked at our table and saw Attorney looking at me. No, more like watching me. Delta is talking to him but his eyes are on me. Nawala ang malapad na ngisi ko.

Napatingin ako sa gilid niya dahil kumakaway si Jonas. Nakita kong nakaangat ang black purse ko and I saw him mouthing "someone's calling". Tumango ako.

"Girls, may tumatawag sa phone ko. I'll just check it." Sabi ko kila Caroll in a louder tone.

"Sure, Gale." ani Eve.

The Boy Who Can't Give AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon