Ang akala ko ay si Mom at Dad ang kasabay ko pauwi ng Manila. Ang hindi ko alam ay si Attorney pala ang kasabay ko.
"What about you two, Mom? Kailan po kayo uuwi?" Tanong ko nang nakabihis na ako't lahat lahat tapos silang dalawa ni Dad ay nakapantulog pa. It's 4 o'clock in the morning.
"We're sorry we didn't immediately tell you, hija. We decided to spend more days here. Ngayon na lang kami makakapagbakasyon ng Daddy nyo." ani Mom.
Tinignan ko si Dad at tumango siya sa akin.
"Okay, if that's your decision."
Nakita ko ang paglapit ni Tita Resty sa amin.
"Gale, mag-almusal muna kayo ni Cirrus bago umalis. Let's go?"
Tumango naman ako. I excused myself to my parents and followed Tita Resty.
Sabay kaming bumaba at nakita kong may almusal na doon. Wala pa si Attorney pero mukhang tinawag na rin siya ni Tita.
"Ah, hintayin ko na po Tita si Attorney." Sabi ko.
Eksakto namang sumulpot si Attorney kaya naitikom ko ang bibig ko. Umupo sa harap ko si Attorney. Nag-umpisa na rin agad kaming kumain.
Hindi na rin nagtagal, nasa harap na kami ng kanilang kotse, nakahanda nang umalis.
"Have a safe flight, Cirrus, Gale." Si Tita Resty at niyakap kami.
"Gale, please go to our house first and check on your brother. Namiss ka noon," si Mommy. "Take care, okay?"
"I sure will, Mom. Mag ingat po kayo dito. Enjoy your little vacation here." Sabi ko. Niyakap ako ni Mommy pero nung si Dad na ay hindi ko na alam ang gagawin kaya umiwas na ako ng tingin.
"You two go on. Dalawang oras pa ang byahe papuntang Cauayan." Si Tito Timo.
Tumango ako at saka nauna na akong pumasok sa back seat. Si Attorney naman ay mukhang sandaliang kinausap pa nila bago na pumasok sa front seat. Si Kuya Larry naman ang maghahatid sa amin sa airport.
Halos isang oras kalahati nang makarating kami sa Cauayan. Kuya Larry drove fast that's why the time was minimized.
Bumaba na ako at tumulong akong kumuha ng bagahe ko.
"Ako na po sa maleta mo, Ma'am." ani Kuya Larry nang kukunin ko na ang maleta. Umatras ako at inayos ko na lang sa pagkakasukbit ang DSLR bag ko at ang isa ko pang bag na naglalaman ng mga paints at brushes.
Silang dalawa ang nag-ayos ng mga bagahe namin sa trolley.
"Paano po, mauuna na po ako. Sir, Ma'am, mag-iingat po kayo." ani Kuya Larry.
I sighed. This is really the end of this vacation, huh?
"Mag-iingat din kayo, Kuya," si Attorney at yumakap kay Kuya. "Kayo na muna ang bahalang tumulong kay Papa sa farm. I'll see you soon." Dugtong nito nang humiwalay.
"Oo, Sir. Makakaasa po kayo."
Ngumiti ako at lumapit na rin para yakapin si Kuya Larry.
"Thanks, Kuya. I had fun being with you all." Sabi ko nang humiwalay.
"Hindi pa naman po ito ang huling pagkikita natin, 'di ba, Ma'am?"
Ngumisi ako. "I hope so."
We only waited for an hour and then we boarded.
Katulad noong unang flight na sabay kami, tahimik pa rin kami. Ang pinagkaiba nga lang, medyo nawala ang ilangan sa pagitan namin.
Noong nagtake-off ang eroplano, doon siya nagtanong.
"You live alone?" Tanong niya.
Medyo gulat pa ako sa tanong niya pero sinagot ko na rin.
"Uh, yes. I'm living in a condo unit in BGC."
Tumango siya.
"Susunduin tayo ni Kuya Mario sa NAIA mamaya. Ikaw ba muna ang ihahatid namin?" Tanong ko.
Ngumisi siya kaya bahagyang nagulat ako. What are you grinning at?
"Okay, then." Sagot niya lang at umiwas ng tingin habang nakangisi pa rin.
Napangiti na nga lang din ako. Well, at least malalaman ko kung saan siya nakatira.
Nakarating din agad kami sa Maynila. Tulad ng inaasahan, naghihintay na si Kuya Mario sa airport at tinulungan kami ni Attorney sa mga dala namin.
"Kamusta ang Isabela, Gale?" Tanong ni Kuya Mario.
"It's fun, Kuya. Nakakalungkot nga lang, hindi ako masyado nakapaglibot do'n."
"Okay lang po yan. Pwede ka pa naman pong bumalik ulit."
Tumawa na lamang ako at tumango.
"Attorney, kamusta ho?"
"Maayos, Kuya." Sagot lamang niya.
Nang maayos ang aming bagahe sa likod ay sumakay na ako sa back seat. Si Attorney naman ay hinayaan ko na lang umupo sa front seat.
Byahe papunta kila Attorney ay nagkukwentuhan lamang sila. Tahimik naman akong nakikinig.
Alam na rin ni Kuya kung saan ang kila Attorney dahil siya ang nagsundo sa kanya noong unang araw.
"Ah, nga pala Gale, pinapasabi ni Gael na pupunta daw sa inyo si Avo Allegre."
Nagulat akong tunay. Nakita ko ang bahagyang paglingon sa akin ni Attorney.
"Sige po, Kuya. I'll just text him too."
Agad ko namang kinuha ang phone ko pero wala namang mensahe si Gael. Kila Caroll at Eve lang ang text na nagtatanong kung nasa Manila na ba ako. Sinagot ko na rin sila.
Gael, I'm already in Manila. Mom and Dad decided to stay there for a couple of days if you still don't know. Anong oras punta ni Avo sa bahay?
Kung tama ang memorya ko, unang bisita iyon ni Avo sa bahay.
Tinabi ko ang phone ko at nakinig na lang ulit ako sa usapan ng dalawa sa harap ko.
Nagulat ako nang kalahating oras ay gumawi ang kotse papuntang BGC. Dito lang din pala siya nakatira?
The car drove in the basement of a condominium few blocks away from the condominium where I live!
Nang tumigil ng tuluyan ay bumaba si Attorney at Kuya Mario kaya napagaya ako.
Pinagmasdan ko lang sila sa pagkuha at nang isarado ang pinto doon ay napaayos ako ng tayo.
"Salamat ho, Kuya Mario." Si Attorney.
"Walang anuman, Attorney." Ngumiti at tumango na lang si Kuya at pumasok na sa driver's seat.
Shit. Sana naiwan na lang din siya dito para di awkward!
"Uh, I guess this is a goodbye?" Sabi ko na lang at naglahad ng kamay.
What am I doing again!?
Ngumisi siya. Nawala ang iniisip kong awkward moment namin at napairap ako. Inaasar niya ba ang paglahad ko ng kamay?
Ibababa ko na sana ang kamay ko pero inabot niya ito at hinawakan.
"There's no such thing as good byes, Miss Azurin," aniya habang nakangisi pa rin. "I'm going."
Umirap ako lalo. That damn "Miss Azurin" again.
"Tss..." Iyon na lang ang naisagot ko.
Yumuko siya sa kotse at sumaludo kay Kuya Mario.
Pinanood ko ang paglakad at pagsakay niya sa elevator. Nagpindot siya ng floor at tumingin sa akin.
Tumaas ang kilay ko, nagtatanong. Ngumisi lang siya. Iyon ang huling nakita ko hanggang sa magsara na ito.
Uminit ang pisngi ko dahil sa nangyari. Napangiti na lang ako ng wala sa oras.
I need to see you again, Attorney. I'm sure of that. But I don't know how.
BINABASA MO ANG
The Boy Who Can't Give Attention
Romance"The moment I first met him, I realized it will be hard for me to make him notice me because he hates me. I know and I'm sure. And as my feelings grow more, I'm wanting his attention even if I know he doesn't give it easily, especially to me. I want...