22nd #TBWCGA

544 12 0
                                    

Maganda ang naging tulog ko kagabi na pagkagising ko, napangiti ako.

I must be out of my mind. This isn't me! I just chuckled and shook my head.

Bigla akong ginanahan mag-gym kaya ilang minutong pagkakagising ko ay nagpalit ako ng gym attire ko para umakyat sa sariling gym nitong condominium.

Simula noong pumunta ako sa Isabela ay hindi pa ako nakakapag work-out hanggang ngayon. Naisip ko rin na baka mag-iba ang pangangatawan ko dahil lagi na lang akong nananatili rito sa condo dahil naka-leave nga ako.

Halos dalawang oras lang ang itinagal ko doon nang magpasyang bumaba na ulit sa aking unit. Nagpahinga at naligo naman na ako doon sa washroom ng gym kaya kumain na agad ako ng almusal. Oats and fruits will do.

Matapos kong kumain ay agad kong hinarap ang patapos na pangatlong canvas na dinagdag ko.

Mabuti na ring crop top at cycling shorts ang suot ko dahil alam kong lalapagan ko itong canvas ko magdamag.

Hinahalo ko ang acrylic sa aking palette nang tumunog ang phone ko para sa isang mensahe.


Let's go out tonight. What do you say?


Carol texted. I rolled my eyes the moment I read the word "out" .


I would say I won't come. Tinatapos ko ang canvas ko. And don't make me say yes!


Tumawag siya na agad kong sinagot at ni-loudspeaker. Halakhak agad niya ang una kong narinig sa kanya.

"I know you would say that." aniya at tumawa pang muli.

"Alam mo naman pala, bakit mo pa ako inaya?" Sabi ko habang iniistroke ang brush sa canvas.

"I'm still considering you, syempre. I'm a good friend kaya." aniya.

I chuckled. "Thanks though."

"At dahil naisip namin ni Eve na ganyan ang isasagot mo, kami na ang pupunta sa condo mo, nakakahiya naman sayo e. Pupunta rin si Greg at Jonas ah?"

Mas lalo akong tumawa.

"Alright. I'll cook our dinner, bawi ko na iyon. I'm sorry, I just really need to finish my canvas."

"Wala iyon, Gale. That's okay. Kami ang bahala sa drinks." She said and chuckled.

I rolled my eyes again but I smiled.

"I'll hung up. Love you." Sabi ko.

"Love you, too, Gale. See you."

Nang magtanghali naman ay huminto muna ako para magluto at kumain. When I finished my routine inside the kitchen, I went back to finish the canvas.

I'm relieved when I estimated this painting. I'm sure tapos na ako bago pa dumating sina Caroll.

Nang mag-alas kwarto na ng hapon ay details na lang ang gagawin ko.

I feel excited when my painting is always almost done. Kaya minsan, sa saya ko, nagkakamali ako. But then, this is different. I really need a major concentration.

Noong tumunog ang phone ko ay akala ko si Caroll na iyon. Pero nang makita kong unregistered number ito ay napahinga ako ng malalim. I thought sila na. Hindi ko pa tapos ito. I got a mini heart attack!

Agad ko namang sinagot at ni-loudspeaker muli.

"This is Gale. How may I help you?"

"Good afternoon, this is Cirrus. Are you in your condo?"

Pagkasabi palang ng pangalan ng caller ay nanlalaking matang kinuha ko ang phone ko at in-off ko ang loudspeaker at nilagay agad ito sa aking tainga.

"H-Hi Cirrus. Good afternoon. Y-Yes, I'm in my condo." Natataranta kong sinabi.

The Boy Who Can't Give AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon