9th #TBWCGA

565 20 1
                                    

"I'm impressed." Nakangiti ko pang tinitignan ang mga litrato na nakuhanan ni Attorney nang pumasok si Daddy sa kubo kung nasaan ako.

Nakaupo ako ngayon sa kawayang sofa dito sa sala. This is too his first time entering the hut where I am staying.

"Thanks, Dad." Mahinahon kong sagot.

"I didn't know Isaac is fond of those things too. You two had a great teamwork."

"W-Well, I can't say he's fond of it. But he took great photos of the kids."

Tumango siya.

"Keep it up, Gale. Lumabas na tayo, kakain na para sa tanghalian." Huling tingin niya sa akin bago siya lumabas.

Well... that's a good start, we didn't have a row!

Hindi agad ako nakabawi dahil paulit ulit kong tinitigan ang mga photos. I was just really amazed.

"Are you going to stay here all day? Kakain na." Narinig kong sabi ni Attorney kaya nagulat ako.

"U-Uh. H-Hindi, sige na. Mauna ka na." Sabi ko at bahagyang tinabi ang DSLR.

Umiling siya.
"Tito Perry sent me here. If you still don't go out, he will send me again here."

"You go ahead, susunod na lang ako."

Tumaas ang kanyang kilay, tila hindi naniniwala sa aking sinabi.

"Fine." Tumayo ako para makalabas na ng kubo. Nang malagpasan ko siya ay napangiti ako.

"Gale, dito." I saw Mommy waved her hand. Tinuro nya ang mga pagkain sa mesa kung nasaan sila ni Dad. Bahagyang bumagal ang paglalakad ko. They want me to join them?

Dumiretso na lamang ako doon at dahan-dahang umupo.

Ilang segundo lang simula noong naupo ako ay may umupo sa tabi ko. Tumabi sa akin si Attorney na tinignan lang ako saglit ngunit tumingin din agad sa mga magulang ko sa aming harap.

"Let's eat." Si Daddy kaya nag-umpisa na rin agad kaming kumain.

I am eating slowly my food. But it's not the food I am trying to digest, it is the situation right now. Last day I checked, I'd never eaten with Mom and Dad since the medical mission started.

Pero ngayon ay kasabay ko sila, maging si Attorney, at katabi ko pa siya!

Wait, hindi ako napaparanoid!

"Aren't you hungry, Gale?" Tanong ni Mommy.

"N-No, no." I answered. Tinignan ko siya, sabay kay Daddy na nakatingin din pala sa akin.

"Then eat more." She said.

Tumango lang ako at sa pagkain ko na ulit ako tumingin.

Alam kong kahit hindi ako nakatingin sa kanila, nararamdaman ko ang kanilang mga titig. Even Attorney. I can feel he is looking at me. At hindi ko alam kung bakit.

"I like the teamwork you've shown us earlier. Hijo, kung gusto mo, tulungan mo na lang si Gale at si Perry muna ang aalo sa trabaho mo. What do you say?" ani Mommy na ikinagulat ko.

"Mom! He needs to work. Kanina ay tinulungan niya lang po ako kasi wala akong mahingian ng tulong."

"Are you saying that now, someone is capable of doing what he has done for the next days?" Si Dad.

"W-Well..." Right. Kahit anong tanggi ko, wala rin talaga akong mapagkakatiwalaan sa DSLR ko bukod kay Attorney dahil nakita ko na siyang gumamit noon.

"If Attorney agrees. We need to be fair here," sabi ko at tinignan ng bahagya si Attorney. "Attorney, don't be intimidated. Okay lang na huwag mo na akong tulungan."

"As much as I enjoy talking to my clients, I certainly more enjoyed taking photos of the kids." ani Attorney na ikinagulat ko.

"See, Gale? Gusto rin ni Cirrus." ani Mommy.

Napatingin ako kay Daddy na pinagmamasdan lang kami ni Attorney. Are they really serious now? Dati ay parang gusto nilang pagsilbihan ko si Attorney. Ngayon ay pinapatulungan nila si Attorney sa trabaho ko.

Sa mga susunod na araw ay ganoon nga ang nangyari. I'm giving face art to the kids while he's capturing it.

Doon ko na nga lang din talaga nakita si Attorney ngumiti ng sobra. Minsan siya pa ang nagpapatawa sa mga batang naghihintay ng turn nila para hindi mainip.

He is just so charming when he smiles or when he laughs. Now, I am craving for it. Like, I wanna see it everyday.

Nagke-crave ako sa pagiging gano'n niya dahil hindi niya madalas pinapakita. And this is his first time showing his feelings towards something.

I was completely off guard when I first met him. Hinangaan ko na siya noon kahit 'di ko pa siya kilala.

Ngayong nakikita ko ang side niyang ito, ewan ko ba. Parang may kakaiba na.

I was hoping for more days with him. Gusto kong makita ang iba niya pang ugali. Ang iba pa niyang emosyon.

But this medical mission is my only chance. It is nearly ending.

I just have to take this chance.

The Boy Who Can't Give AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon