Alas singko ng madaling araw ay nasa Calamagui na kami.
You know what's one of the best things living in a province? You can see clearly the sunrise and the sunset. It's spectacular. Back then, it's always my subject to my paintings, but then I realized it's too cliché so I change my subjects.
Hindi ko alam kung ganito rin ba kaganda noong nasa Bangad kami. I didn't notice the view because I was too sleepy to function.
Katulad ng nangyari sa bayan ng Bangad, nag-umpisa agad ang lahat ng programa ng medical mission. Ngayon nga lang ay si Kuya Larry ang kasama ko at si Kuya Tupe ay naroon kay Mommy dahil mas marami ang naroon kaysa sa mga relief goods.
"Kuya Larry, sino nga pala ang magkakabit no'ng tarpaulin? Kung wala pa ay ako na lang." Sabi ko nang mapansing 'di pa nakakabit iyon.
"Hindi, Ma'am. Sila Pia yung gagawa no'n."
Tinignan ko sila Pia, isa sa mga kaedaran ko na volunteer, at ang grupo nito pero nakaupo lang sila sa kabilang gilid at naka-break na.
Naisip ko na baka lumapit na naman sa akin si Dad para magpabigay ng meryenda kay Attorney kaya nagpaalam ako saglit kay Kuya Larry at pumunta sa banda nina Pia.
Kakanin muli ang meryenda at mayroon ring mga biscuits. Naglagay na rin ako no'n sa tray.
Kumuha ako ng bottled water at coke-in-can na rin."Pansin ko kasi, kanina ka pa patingin-tingin sa labas. May inaasahan ka ba, Attorney?" Rinig kong sabi ng kung sino sa loob.
Pagkapasok ko ay sabay na tumingin sa akin si Attorney at ang panigurado'y kliyente niya.
Umiwas ng tingin si Attorney at tinignan ang papeles na nasa kanyang mesa.
"It's my dad," paliwanag ko agad. "Again." Kahit na hindi naman ako inutusan, parang ganoon na rin naman dahil siya ang dahilan kaya ako nagkusa ngayon. Oh, why do you sound so defensive, Gale?
"Thank you." Pormal na sabi niya.
"Ma'am Gale, ako si Mang Caloy." Pakilala ng kanyang kliyente at naglahad ng kamay na agad kong tinanggap.
"Nice to meet you po, Mang Caloy." At ngumiti ako.
"Ngayon lang po namin kayo nakita. May kaunting kaalaman po kami na may anak na babae si Doktora at si Judge pero 'di pa namin nakikita. Si Sir Gael po kasi ay minsan na naming nakita at nakilala."
"May kasalanan po kasi ako kaya nandito ako." Sabi ko at tumingin kay Attorney na seryoso pa ring nakatingin sa papeles sa harap niya.
Tumawa si Mang Caloy at tinanggap iyon bilang biro.
"Sige ho, may gagawin muna po ako sa labas." Paalam ko at pumanhik agad ako palabas.
I can't stand near him. Kagabi tungkol sa mga sinabi ko, wala siyang ni isang sinabi. Hindi ko alam kung tinanggap niya ba ang paghingi ko ng tawad. Pero kung hindi, I don't know how to get along with him anymore.
Bumalik ulit ako sa banda namin ni Kuya Larry at tumulong sa pagbabalot ng mga relief goods.
"Ano ang maitutulong ko, Kuya?" After, I think, twenty minutes, Attorney showed up. Panghuling kliyente niya na siguro si Mang Caloy.
"Wala na, Sir. Patapos na rin po kami dito, e. Doon po kila Ma'am Gale ang hindi pa tapos." Rinig kong sabi ni Kuya Larry.
"Sige, Kuya. I'll just go there."
Bakit kinabahan ako bigla?!
Binati ng mga nasa gilid ko ang pagdating niya pero ako ay patuloy lang sa pagbabalot.
"How can I help here?" He asked.
"Oh, Attorney, ayaw mo ba munang magpahinga?" Si Ate Josephine, isa sa mga nakakatanda sa team.
"Hindi na ho. Maraming oras para dyan." He chuckled.
Wow! Akala ko hindi siya marunong tumawa.
Tumawa rin sila.
"Sige. Ititipon lang yung mga canned goods at yung iba, tapos ibabalot sa bag."Tinignan ko kung nasaan siya at nasa harap ko pala siya. Nang tumingin siya sa akin ay umiwas ako ng tingin. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagbabalot.
Hanggang sa matapos din kami, sinabi ni Kuya Larry na ibibigay na ang bawat bag sa pamilyang nakapila sa gilid.
Naisip ko na baka tumulong si Attorney sa pamimigay kaya hahayaan ko na lang siya na pumalit sa akin.
Umalis ako sa kinatatayuan ko at lumapit kay Kuya Larry.
"Kuya, ako na po yung magkakabit ng tarpaulin." Sabi ko dahil wala naman na akong ibang gagawin.
"Naku, Ma'am, sigurado po ba kayo?"
"Opo, Kuya. Hindi pa rin po inuumpisahan noong grupo nina Pia e." Sabay tingin ko sa tarpaulin na 'di pa nakakabit.
"Sasabihan ko po sila, teka lang—"
"Ayos lang po talaga. Ako na po."
Tinignan ako ng may kunot sa noo ni Kuya pero kalaunan ay tumango na rin.
"Sige ho Ma'am, kung iyon po ang gusto mo."
Umalis ako at pumunta agad sa kabilang gilid. Umakyat ako sa kahoy na hagdanan at inayos na ang pagkabit ng tarpaulin. Inuna ko muna ang kaliwang gilid nito. Nang maayos iyon ay bumaba ako. Ako na rin ang naglipat ng kahoy na hagdan sa kanan na gilid at umakyat muli ako para maayos na.
"Naku, Gale. Kami na dapat dyan," narinig kong sabi ni Pia.
Tinignan ko siya at nakatingala siya sa akin.
"No, It's okay. I'm almost done here."
Hinigpitan ko na ng husto ang pagkakatali ng tarpaulin.
Pababa na sana ako ngunit sumabit ang jeans ko sa nakausling pako ng hagdanan. Naramdaman ko ring may humapdi doon kaya instinct ko na iwasan iyon! I tripped in my step and fell but the next thing happened, someone caught me. Ang daming napatili sa nangyari. Narinig ko pa ang sigaw ni Kuya Larry sa malayo.
Nakapikit ako dahil akala ko ay babagsak ako. Pero pagdilat ko ay mukha ni Attorney ang tumambad sa akin.
"I knew this will happen," he whispered. "Hard-headed."
BINABASA MO ANG
The Boy Who Can't Give Attention
Romansa"The moment I first met him, I realized it will be hard for me to make him notice me because he hates me. I know and I'm sure. And as my feelings grow more, I'm wanting his attention even if I know he doesn't give it easily, especially to me. I want...