16th #TBWCGA

547 14 1
                                    

Nagulat ako nang pagkapasok ko, may banner na hawak ang mga batang estudyante ko at nakalagay ang "Welcome back, Ma'am Gale".

Sobra akong natuwa at niyakap ang mga estudyante ko.

Maging ang ibang co-teachers ko ay narito.

"Naku, nag-abala pa kayo. Saglit lang akong nawala." Sabi ko at tumawa sila.

"Matagal ang isang linggo, Ma'am Gale." Si Ate Mandy.

"Opo, Ma'am Gale. Namiss ka namin." Si Johnny, isa sa mga batang estudyante ko.

"I missed you too, kids." Sabi ko at niyakap muli sila.

Nag-umpisa na rin akong magturo. Hanggang bukas na lang ang session nila kaya tatapusin ko iyon bago magleave.

Dalawang oras ako nagturo at pagkatapos noon, may dalawang oras din sila para magpaint.

Umiikot ako sa kanila para kung sakaling may mga tanong ay naroon agad ako.

Dumaan agad ang dalawang oras at hindi ko man lang iyon namalayan. Now, I can't wait to finish everything for my exhibit so that I can be with them again.

"Bye, Ma'am Gale." Sinasabi ng mga bata habang papalabas ng room.

"Bye, kids. Take care."

Inayos ko muna ang mga canvas nila bago ko ayusin ang mga gamit ko.

"Ma'am Gale," tawag ni Ate Mandy nang pumasok siya. "May naghahanap po sa'yo. He's in the lobby. Gusto ko sanang ayain siya na pumunta na lang dito kaso nakakaintimidate." aniya at tumawa.

Natawa na rin ako dahil wala na akong ibang naisip kung hindi si Attorney. Right, he is intimidating.

Napatingin ako sa aking relo at nakitang alas onse palang.

"Sige, Ate Mandy. Salamat."

Ngumiti si Ate. "You're welcome." aniya at lumabas.

Masyadong maaga si Attorney. Nahihiya ako dahil maghihintay pa siya dahil kakausapin ko pa ang department head ko.

Binilisan ko na ang pag-aayos at agad nang pumanhik sa kung saan si Attorney.

"Attorney, pasensya na. Kakausapin ko pa ang department head ko." Sabi ko kaagad pagkalapit ko. Tumingala siya sa akin dahil nakaupo siya sa sofa dito sa lobby.

May iilan akong napansing estudyanteng kaedaran ko na tumitingin kay Attorney. What a head turner, tss.

"No problem, Miss Azurin. Napaaga rin ako. I'll just wait here."

"I'll be back, excuse me." Sabi ko at agad na siyang tinalikuran.

Kinausap ko kaagad si Mrs. Malvar, ang department head namin.

"I'm glad you take my offer. Walang problema. Pero your leave will be effective after your current session, is that it?"

"Yes, Ma'am. Tatapusin ko na po. Matagal ko ring hindi nakita ang mga bata, e."

Ngumiti si ma'am.
"Sure. Kailan next next month ang date ng exhibit mo?"

"I have an appointment with my organizers today. Do'n ko palang po malalaman. I'm really sorry about the delay, Ma'am."

"No problem. Well, go ahead. Time is not our friend." aniya at tumawa.

"Thank you so much, Ma'am. Mauuna na po ako."

"You're always welcome, Miss Gale."

Agad na ulit akong pumunta kay Attorney and this time, tumayo na siya.

The Boy Who Can't Give AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon