Limang araw na rin ang nakalipas simula noong ihatid-sundo ako ni Attorney. Hindi na ulit nasundan ang pagkikita namin. Mabuti na rin siguro ito. My feelings for him are drastically changing and it's not good for me.
Sabado ng umaga ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa kapatid ko na pwede nang makuha ang kotse ko. Aniya'y mamaya niya pa makukuha dahil may pasok pa siya ngayong umaga kaya naman sabi ko, ako na ang kukuha.
Namilit pa siya na siya na ang kukuha ngunit nakumbinsi ko naman na ako na dahil alam niya rin sa sarili niyang busy siya.
Kahapon dumating sina Mommy at Daddy galing Isabela. Nasalubong ko rin sila dahil tulad noong napag-usapan namin ni Gael ay sa mansyon muna ako tumuloy.
I was glad because we had a normal dinner. Yung walang usapang makakasira ng mood.
Dahil naitanong ulit ni Gael kung kailan ang exhibit ko, hindi na napigilang iyon ang topic namin.
Gael will surely come. Mom will come too. Pumunta rin naman siya sa first exhibit ko pero hindi katulad ni Gael, hindi siya nagtagal at umalis rin agad.
And for the first time, Daddy will come.
Alam ko namang nagkaroon kami ng usapan na pupunta siya, at nag-offer pa mismo ng kung anong pwedeng itulong sa exhibit, pero hindi pa rin ako makapaniwalang pupunta siya.
Sa Makati ang auto shop kung saan ipinaayos ni Gael ang kotse ko kaya madali ko ring napuntahan iyon.
I know Gael kinda overdid his instructions to the mechanic because when I saw my car, it looked like it was brand new! And it is extra shiny. Magkano naman ang nagastos dito!?
Itinawa ko na lang ang ginawa ng kapatid ko at agad naman siyang pinasalamatan.
How much is the repair, by the way? Babayaran kita. Nakakalimutan mo atang I am earning my own money.
Minutes later, he replied.
Don't worry about it, Ate. I am earning as well.
Nasapo ko na lang ang noo ko. Bahala nga siya dyan! And he's earning? He didn't tell me that!
Pagkauwi ko galing sa auto shop dala na ang kotse ko, I did my other morning routine before start doing my painting.
Pinagmasdan kong mabuti ang buong canvas at kung i-e-estimate ang oras kung kelan ko ito matatapos, kung itutuloy-tuloy ko ito ngayong araw, matatapos ko ito ngayon din.
Then I will have more time for the other four canvases.
Dahil napagdesisyunan ko namang tutukan ito ng isang buong araw, nakasuot ako ng extra large na white t-shirt at cyclings para mas komportable.
I even added a jazz soft instrumental to lighten up more my mood.
Nang dumating ang tanghali ay nagluto muna ako ng lunch. Matapos magluto't kumain ay balik ulit ako sa pagpipinta.
My phone beeped several times but I ignored it and focused on what I'm doing.
Siguro hindi na napigilan ng kung sino ang pag-ignora ko sa text niya kaya noong mag hapon na, tumawag ito.
Si Caroll ang tumatawag. She knew I will be very busy today. Kung hang-out ang itinawag nito ay tatanggihan ko talaga.
I swiped it and put it in a loud speaker.
"What?" I asked while I continue stroking my paint brush.
"Gale! Are you still busy? Can we go out?"
Tumawa ako dahil tama nga ang naisip ko.
BINABASA MO ANG
The Boy Who Can't Give Attention
Romans"The moment I first met him, I realized it will be hard for me to make him notice me because he hates me. I know and I'm sure. And as my feelings grow more, I'm wanting his attention even if I know he doesn't give it easily, especially to me. I want...