Mag aalas onse na ng gabi nang magpasyang umuwi ang mga Allegre. Mommy wanted them to stay for the night because it's already late but Tita Sol refused because of some commitments tomorrow. But Tita made sure to visit again.
Maging si Mommy ay gusto ring bumisita sa kanila sa Laguna. Saying we will pay them a visit if everyone's schedule fits.
Sabay-sabay na umalis ang hiwa-hiwalay na kotse nina Avo, Emma at ng kanilang mga magulang. Nang tuluyan silang makaalis ay doon lang kami pumasok.
Dumiretso ako sa kusina para makainom ng tubig at nakita kong nag-aayos na sila Manang Roda sa poolside. Doon naman dumiretso si Mommy para tignan ang iba pang pwedeng ayusin.
Habang umiinom ako ng tubig ay dumating din si Gael at kumuha ng sariling baso para makainom din. Hinugasan ko ang aking baso nang matapos.
"Dito ka na matulog, Ate. It's already late. Or you want me to drive you to your condo?" aniya nang hinuhugasan na rin ang kanyang baso.
"Hindi na, Gael. Late na rin tulad ng sabi mo."
"Then I can sleep there. Can I?"
Ngumisi ako.
"Oo naman. Pero just go there whenever you want. Sa ngayon, dito na tayo matulog."Tumango siya.
"Then, I will go to my room. Good night, Ate." aniya at hinalikan ako sa noo."Yeah, good night, Gael." Sabi ko.
Iniwan niya ako doon at napaupo ako sa high chair sa counter.
Napabuntong-hininga ako. Natulala ako ng ilang saglit at nabalik lang nang hawakan ni Mommy ang balikat ko.
"Aren't you tired? Why don't you rest now?" aniya.
"Hintayin ko na kayo, Mom. May maitutulong pa po ba ako sa pag-aayos?"
Ngumiti siya.
"Tapos na sila Manang at Gracia. Sige na, go ahead.""Si Dad po?" Lumingon ako sa bukana ng kusina na para bang nakikita ko siya doon.
"He went to his study room."
Tumango ako.
"Ikaw rin, My. You should take a rest too. Sabay na tayong umakyat."Ilang saglit niya akong tinignan bago tumango.
Sabay kami umakyat sa taas. I kissed her cheek before she entered their room.
Pagkapasok ko naman sa aking kwarto ay dumiretso agad ako sa banyo para maghalf bath.
After all my routines, humiga agad ako sa aking kama at doon lang nakaramdam ng pagod sa mga nangyari ngayong araw.
A talking Attorney and Delta suddenly flashed in my mind.
They are close to each other, I know it. Sa paraan palang ng pagtawag ni Delta sa kanya, I know they have some sort of connection. Malayo sa paraan ng pakikitungo sa akin ni Attorney.
Napabuntong-hiningang muli ako at pumikit na lang para makatulog.
Pagkagising ko ng umaga ay agad na rin akong nag-ayos para makauwi sa condo at matapos na ang canvas na dapat kagabi pa natapos.
I am drying my hair when someone knocked on my door. Bumukas iyon at si Gracia ang pumasok.
Gracia is, I think, the same age as me.
"Miss Gale, ipapagising ka na sana ni Ma'am Olga pero gising ka na pala. Nakahanda na po ang almusal nyo." aniya.
"Okay. Bababa na rin ako. And please, Gale na lang, Gracia." Ngumiti ako.
Nakita kong pumula ang kan'yang pisngi.
"O-Oh sige, Gale." aniya at ngumiti.Pagkatapos ko naman ay agad na rin akong bumaba. Naroon na nga sila Daddy at Mommy. Nakaupo na sa kabisera si Daddy habang nagbabasa sa hawak nyang newspaper at si Mommy nama'y tinutulungan si Manang Roda sa paglalapag ng mga almusal kahit na nakaready na siya pangwork.
BINABASA MO ANG
The Boy Who Can't Give Attention
Romance"The moment I first met him, I realized it will be hard for me to make him notice me because he hates me. I know and I'm sure. And as my feelings grow more, I'm wanting his attention even if I know he doesn't give it easily, especially to me. I want...