Nataranta na ako nang makitang trenta minutos na ang nakaltas sa oras ko dahil sa pag-aayos ng mga ginamit ko. Tumulong pa siya sa pag-ayos ng canvas ko. I don't want him to but he insisted kaya wala na ako nagawa.
"I have to wash up. I'm sorry you need to wait." Sabi ko nang matapos kami sa pag-aayos.
Tumingin siya sa wall clock. "Ano ba ang mga lulutuin mo?"
"Uh, hindi ko pa alam e. I still need to see my fridge."
"You do your thing in your room, I'll start cooking."
"Huh?" Natigilan ako sa paglalakad papasok ng kwarto ko. "Hindi na, Cirrus. You're my visitor. Ako na ang magluluto. Bibilisan ko lang din ang pagligo."
Ngumisi siya. "Will your time be enough for you?"
Napatingin ako sa wall clock and he has a point. But it's embarrassing!
"H-Hindi, pero..."
"I'm gonna cook. And start washing up before your friends arrive." He said with finality and walked into my kitchen.
Nasapo ko na lang ang aking noo dahil sa nangyayari.
Pumasok na lang ako sa aking kwarto. Nagpadala muna ako ng mensahe kay Caroll dahil mukhang stress ulit siya sa kanilang manager bago ako naghubad.
Kumuha ako ng usual attire ko kapag narito lang sa condo at pumasok agad sa washroom para makaligo.
Sa pagtanggal ng acrylic ako natagalan kaya inabot ako ng halos trenta minutos. Gosh, pinilit kong bilisan para sana makatulong pa. Mukhang ang paghuhugas na lang ang maitutulong ko.
Nang maalala ay nagpadala ako ng mensahe kay Caroll na mukhang asin na bubudbod sa kanya. She didn't reply on my last text, tunay ngang nagbabad na sa huling trabaho nila.
Attorney is here, by the way. Behave kayo ni Eve, please!
Nang matapos sa pag-aayos ay agad na akong lumabas.
Naabutan ko siyang nakatalikod at nakaharap sa gas stove habang may hinahalo doon at may apron na suot. Nang makalapit ako ng husto ay nakita ko pang barefooted na siya ngayon.
Kinuha ko ang spare na tsinelas na si Gael ang sumusuot kapag narito.
"Cirrus, wear this. I'm sorry natagalan ako." Sabi ko habang nilalapag sa gilid ng paa niya ang tsinelas.
"It's okay." aniya habang sinusuot naman iyon.
"What can I help here?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang paligid. Malinis ang counter kung saan madalas maghiwa-hiwa ng rekados, mukhang nilinis niya na rin agad iyon. Tinignan ko ang stove at dalawa ang nakasalang doon.
"I'm almost done. It's a filipino dish," tukoy nya sa hinahalo niya ngayon. "That one's something Mexican," tukoy niya naman sa nasa kabilang pan, "and later, pasta."
Halos mapanganga ako. Lalo tuloy akong nahiya. Pinagsabay nya pa ang dalawang putahe dahil kapos na sa oras.
"O-Okay. I'm really sorry, Cirrus. But thank you."
Ngumisi siya. "You're welcome."
"Ako na lang ang maghuhugas."
Wala naman na siyang sinabi kaya ginawa ko na agad.
Nang matapos ko ang paghuhugas ay tapos na rin niyang lutuin ang dalawang putahe at tinulungan ko rin siya sa pagse-serve ng mga ulam sa mesa. Maski kanin ay siya na ang nagsaing. Damn it, Gale!
"We'll wait for them before I cook the pasta."
"Ako na ang gagawa no'n, Cirrus. Magpahinga ka na."
"I'll do it. Then you'll entertain your friends."
BINABASA MO ANG
The Boy Who Can't Give Attention
Romance"The moment I first met him, I realized it will be hard for me to make him notice me because he hates me. I know and I'm sure. And as my feelings grow more, I'm wanting his attention even if I know he doesn't give it easily, especially to me. I want...