Yanael Bernardo
Nandito ako sa veranda ng kwarto ni Dane. Pinagmamasdan ko lang ang ulap na tahimik. Na para bang wala pinoproblema. Sana ulap nalang din ako. Para kahit papaano, wala akong problema.
Hindi pa rin maalis sa isip ko kung bakit si King lang ang dapat kong pagkatiwalaan at hindi ang iba niyang mga kapatid? Hindi sa nagdadoubt ako kay King, pero hindi naman pwedeng unfair ako sa mga kapatid niya.
Si Vlue, pwede siya ang magligtas sa akin dahil siya ang lalaking mahal ko.
Si Kyrin, siya ang lalaki na gusto ako pero parang papatayin ako sa pamamagitan ng matatalim niyang mga salita.
Si Asher na parating nandyan para ipagtanggol din ako sa mga oras na kinukulit ako nina Dane ng sobra na.
Si Dane na nandyan para pagaanin ang loob ko.
Si Elias na kayang sumira ng buhay ng kapwa bampira o ano ka man sa paningin niya, maligtas ka lang.
Si Tane na kayang pagaanin ang loob mo with the help of his lovely voice.
So.. Why Kingsley alone? If all of them can save me in different ways?
" It's getting cold.. " dinig kong sabi
Paglingon ko ay saktong pumatong ang malambot na tela sa balikat ako. Inakbayan ako ni Tane. " Tane.. Ikaw pala. "
" The one and only, Tane of your life. " sabi ni Tane
Natawa ako sa sinabi niya at ganun din siya. " Kamusta? " tanong ni Tane
" Okay lang. Ikaw ba? " sabi ko
Tinanggal niya ang pagkakaakbay sa akin at sumandal siya sa railings ng veranda. " Samahan mo muna ako sa dating lugar na pinakita ko sayo. " sabay lahad niya ng kamay sa harapan ko
Ngumiti ako tsaka inabot ang kamay niya. Dahan dahan ay pumikit ako habang kumakanta ng isang spell si Tane. As usual, maganda parin ang boses ni Tane. Walang nagbago.
Pagdating namin sa lugar na pinuntahan namin dati, namamangha parin ako sa ganda ng view. " Walang nagbago.. " sabi ko
" Ito ang paborito mong lugar dito diba? " tanong ni Tane sa akin habang natingin sa paligid naming dalawa
" Oo. Ito nga. " sambit ko
" Akyat tayo? " tanong niya
Ngumiti ako tsaka tumango. Naupo sa harapan ko si Tane at agad akong pumasan sa likuran niya. " Kapit ka ng maigi. " pagpapaalala ni Tane sa akin kaya naman ay agad akong kumapit ng mahigpit dahil mahirap na at baka mahulog ako. Okay lang sana kung bampira ako katulad ng dati kaso hindi. Isang regular na tao na lamang ako ngayon.
Umakyat si Tane ng napakabilis sa puno at agad niya akong iniupo sa sanga atsaka siya naupo rin sa tabi ko. " Syempre diba ipapaliwanag mo kay Vlue ang tungkol dito kung sakaling magselos man siya? " tanong ni Tane
" Oo naman. " sagot ko
Hindi pwedeng hindi. Siya at ang mga kuya ko na lang ang pinagkukuhanan ko ng lakas.
Bumuntong hininga si Tane kaya napalingon ako sa kanya. " May problema ba? Pwede mong i-kwento sa akin. " sambit ko
" It's just that.. " putol ni Tane sa sasabihin niya tsaka tumingin sa malayo. " I'll miss every part of the Licht Castle. " sabi ni Tane
![](https://img.wattpad.com/cover/105523590-288-k480240.jpg)
BINABASA MO ANG
TSVAM Book 3: Vengeance ✔
Vampiri" Just so when you thought everything was real, it all turned out as a dream. " - Vlue Xyrill Montellano/Zyana Bliss Highest Rank : #55 in Vampire