(Ganto yung naramdaman ko nung malaman ko na may GF na sya at masaya na.)
-yung OA pa ang pagkakatingin ko sa mga broken hearted tapos masasabi ko pa, Move On na lang kasi. Yun pala totoo yung parang binundol ng pison yung puso mo tapos sobrang sakit na parang hindi ka makahinga. Yes, naranasan ko yun. Kaya nilalamon ako ng mga nauna kong Entry dito na about sa pagmomove-on kasi hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakamove-on. Ang dali pala talagang sabihin at simulan pero mahirap ituloy-tuloy. Darating pa rin sa ganto na matatagpuan ko ang sarili ko na humahagulgol. Tanga diba?!
Ok start naaaaa.! Magdadrama na naman ang lola nyo.
**************
Tinakasan ka nang tuluyan ng sarili mong kasiyahan.
Dahil sa takot at hiya, nawala na syang tuluyan.
Naramdaman ang sakit na kinakatakutan.
Gustong magwala ng pusong nasasaktan.
Gustong maglaho sa mundong ginagalawan.
Gustong alisin sa puso't-isipan ang puot na nararamdaman.
Ganto pala, ganto pala ang pusong lubos na nasasaktan.
Tinatakasan ng bait, nawawala sa sariling katinuan.
Ganto pala, ganto pala ang humagulgol ng dahil sa sakit na nararamdaman.
Sakit na sa iisang tao lang din ang dahilan.
-aicaquin
(Diba?! Parang mas mahaba ang dinaldal ko kesa dito sa Entry ko. 😂)
BINABASA MO ANG
Feelings
AléatoireIto ay ang mga damdamin na mula sa aking puso. Mga damdamin na hindi maiintindihan ng iba pero mauunawaan ng iilan. Damdamin na totoo. Walang halong panloloko. Damdamin ni hindi kagaya ng mga ngiti ko na kaya kong ipakita kahit kanino, kahit nasasak...