May sarili ka nang mundo, at ganun din naman ako.
Magkaibang landas ang ating tinatahak, na minsan lang namang pinagtagpo.
Siguro nga'y dapat na akong makuntento sa pagsulayap sayo.
Pagsulyap sayo habang tinatahak ang sariling landas ko.
Dahil kahit anong hiling ko.
Hindi mangyayari ang pangarap ko.
Hindi ko alam kung talagang mahal kita o nililinlang na lang ako ng mga ala-alang kasama ka.
Meron tayong napakagandang kwento.
Kwento na kakikiligan ng kahit na sino.
Ngunit isa itong kwento na di nagtatapos sa Happy Ending.
Dahil ang Mahal ng bidang babae ay di kayang abutin.
May magkaibang landas tayo Mahal Ko.
Landas na dapat na sigurong tahakin nang diretsong tingin at wala na dapat pang lingunin.
Landas na kailangan kong intindihin na hindi ka na dapat pang lingunin.
(Ang gulo ko di nu?? Sa una sabi ko, susulyap ako sa kanya habang tinatahak ko ang sarili kong landas tapos ngayon dapat wala nang lingon-lingon. Guloooooo. 😁✌🏼️)
-aicaquin
![](https://img.wattpad.com/cover/124355446-288-k29308.jpg)
BINABASA MO ANG
Feelings
AcakIto ay ang mga damdamin na mula sa aking puso. Mga damdamin na hindi maiintindihan ng iba pero mauunawaan ng iilan. Damdamin na totoo. Walang halong panloloko. Damdamin ni hindi kagaya ng mga ngiti ko na kaya kong ipakita kahit kanino, kahit nasasak...