Sa Ngiti Mo

8 1 0
                                    

Walang sino man ang makakapagpatibok ng puso ko, kagaya ng kung paano ito tumibok kapag nakikita ko ang ngiti mo.
Ganun kalalim ang nararamdaman ko para sayo na kahit sino man ang mahalin ko, hindi nito matutumbasan ang pagmamahal ko para sayo.
Para sayo na sabihin na nating minsan nga akong nilingon, pero di ako nilapitan.
Sayo na una kong minahal pero di ko makalimutan.
Isang ngiti mo lang, Shet.! eto na naman ako.
Mapapagalitan na naman ako ng Bestfriend ko kasi nagbabalik loob na naman ako sayo.
Oo, sabihin na nating di kita naging Kasintahan.
Pero alam ko na Mahal kita at minahal mo ako kahit katiting lang.
Oo, nagkaroon ako ng mga karelasyon. Isa? Dalawa? Tatlo? Ah.! Mali.! higit pa sa sampu. Trial and Error.
Ngunit wala ni isa ang nakahigit sayo. Wala ni isa ang tumingin sakin ng kagaya ng kung paano ka tumingin sakin kapag masaya ka, kapag nag-aalala ka, kapag nagagalit ka, kapag gusto mo lang talaga kong titigan. Walang sinoman ang nagparamdam sakin na Mahal talaga nila ako.
Ikaw? Kahit hindi naging tayo?! Nakita ko, naramdaman ko.
Kahit di mo sabihin, alam kong minahal mo ako.
Hindi ba talaga pwedeng maging tayo? Hindi ba talaga pwedeng tayo na lang? Hindi ba talaga pwedeng mahalin mo na lang ulit ako?
Hindi ba talaga pwedeng ako na lang? Ikaw na lang? Akin ka na lang?
Sige na, Akin ka na lang. Hindi kita aawayin.
Kapag nagseselos ako, sasabihin ko agad sayo para alam mo na nasasaktan mo na ko at para wala na tayong pagsimulan ng away.
Wala akong ililihim sayo, Ikaw lang ang mamahalin ko.
Diba maraming taon na din naman ang nagdaan pero ikaw pa rin ang Mahal na Mahal ko.
Akala ko nga, nakabaon ka na sa isipan ko.
Pero nakita ko lang ang ngiti mo, Wala na.
Baka naman pwede na tayo.
Akin ka na lang oh.

Xoxo Aicaquin

FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon