Ito ay ang mga damdamin na mula sa aking puso. Mga damdamin na hindi maiintindihan ng iba pero mauunawaan ng iilan. Damdamin na totoo. Walang halong panloloko. Damdamin ni hindi kagaya ng mga ngiti ko na kaya kong ipakita kahit kanino, kahit nasasak...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Litrato o Larawan
Hilig ko ang pagkuha ng Larawan o Litrato. Litrato na itatago mo hanggang sa pagtanda mo. Litrato ng mga ala-alang bumuo ng buhay mo. Litrato ng mga pangyayaring importante sayo.
Larawan ng kalungkutan o ng kasiyahan, Na maaaring mawala sa isip natin paglipas ng mga panahong magdadaan. Larawan ng mga taong ating pinahalagahan, Na maaaring di na natin kasama sa kasalukuyan.
Larawan ng mga lugar na ating napuntahan, Na ipagmamalaki natin sa ating mga kaibigan. Larawan ng mga bagay na ating pinapahalagahan, Na ating nakamit dahil ating pinaghirapan.
Oo, hilig ko ang pagkuha ng Litrato o tinatawag nating larawan. Larawan na ating pinapahalagahan.
Photo By: Richard Semira (Para po sa kanya ito. Salamat po sa pagbasa ng mga gawa.)