Hi! Pwede ba kita i-chat?
Gusto lang naman kita kumustahin.
Pasensya ka na kung ika'y aking muling iistorbohin.
Gusto ko lang naman na ika'y kausapin.Gustong-gusto kita, siguro nga ay alam mo na.
Gusto mo din ba ako?
O kailangan din na alam ko na?
Alam ko na... Di pareho ang ating nadarama?!Pasensya ka na kung naisipan kong ika'y muling kulitin.
Gusto ko lang iparamdam na nandito lang ako para iyong kausapin.
Kausapin tungkol sa araw mo, problema mo, mga bagay-bagay na nangyayari sayo.
Sumusobra na ba ako?Gusto kasi talaga kita.
Ah Mali.! Mahal na Mahal na pala kita.
Sana pareho tayo ng nadarama.
Pasensya ka na. Pwede ba kita i-chat?

BINABASA MO ANG
Feelings
AcakIto ay ang mga damdamin na mula sa aking puso. Mga damdamin na hindi maiintindihan ng iba pero mauunawaan ng iilan. Damdamin na totoo. Walang halong panloloko. Damdamin ni hindi kagaya ng mga ngiti ko na kaya kong ipakita kahit kanino, kahit nasasak...