Sa isang iglap, Ang masaya nyang mukha ay nawala.
Bakit sa isang iglap, naramdaman nya ang lungkot na ayaw na ayaw nyang madama?
Gusto nyang umiyak nang umiyak para malabas ang lungkot na kanyang inipon.
Sa isang iglap, nangailangan sya ng tulong.
Tulong sa taong handa lang pakinggan ang kanyang pag-iyak.
Sa isang iglap, naramdaman nya ang katanungan kung ano ba talaga ang halaga nya sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Gusto nyang tumakas sa reyalidad.
Sa isang iglap, gusto na nyang maglagay ng pader sa kanyang paligid.
Ito'y para di na makapasok ang mga taong wala namang pakialam sa kanyang buhay, at pader na handang tibagin at pasukin ng mga taong tunay na nagmamahal sa kanya.
Sa isang iglap, nagtatanong na sya kung talaga bang masaya sya.
Sa isang iglap, di na nya alam kung kuntento ba talaga sya sa kung anong meron sya.
Sa isang iglap, nagtatanong sya kung may mali ba talaga sa kanya.
Bakit ba sya laging nakangiti at pinamumukha sa harap ng maraming tao na ayos lang sya kahit ang totoo ay hindi naman talaga.
Masyado lang ata syang nagiging emosyonal, o yun talaga ang kanyang nararamdaman.
Maging sya ay hindi na kilala ang sarili.
Yun ang totoo, yun ang totoo sa kabila ng maganda nyang ngiti.
Lungkot na di alam ng maram, na nagtatago sa kanyang magandang ngiti.-Hide
-Angelica Ramos
BINABASA MO ANG
Feelings
RandomIto ay ang mga damdamin na mula sa aking puso. Mga damdamin na hindi maiintindihan ng iba pero mauunawaan ng iilan. Damdamin na totoo. Walang halong panloloko. Damdamin ni hindi kagaya ng mga ngiti ko na kaya kong ipakita kahit kanino, kahit nasasak...