Mahal Kita-Noon at Ngayon

11 0 0
                                    

Bigyan mo ako ng pahintulot na sabihin na "Mahal Kita".

Oo, mahal kita.

Mahal kita kahit hindi tayo, kahit walang naging tayo.

Mahal kita kahit na ni katiting na pagmamahal mula sayo ay hindi ko nadama.

Oo, uulitin ko. Mahal kita.

Mahal kita kahit mahirap, kahit masakit.

Yung tipo na kapag nakikita kita, natutuwa ang puso ko pero nalulungkot ang utak ko dahil alam ko na di kita maaabot.

Yung gusto ko magsumbong sayo sa bawat problema ko dahil alam kong makikinig ka kagaya noon kaso, hindi pwede.

Hindi pwede kasi malay ko ba kung kagaya noon ay may pakilam ka pa ba.

Mahal kita kahit anong negatibo ang sabihin nila tungkol sayo, sa pagkatao mo, dahil positibo lang ang nakikita ko sayo.

Kailangan ko pa bang sabihin o ipagsigawan ang pangalan mo para mapansin mo ako?

Kailangan pa ba kitang ligawan para mahalin mo rin ako?

Alam mo kung anong hinihiling ko?

Na sana, tayo na lang.

Sana akin ka na lang.

Pero kasama ng paghiling ng puso ko na sana akin ka na lang.

Hinihiling din ng utak ko na sana wala na akong maramdaman.

Para hindi na ako umasa at para matapos na tong nadarama.

Para hindi na ako mahirapan pa.

Eto pala yung sinasabi nilang "Pagmamahal".

Sabi nga ni Vice Ganda, "masakit, pero masarap".

Bakit nga ba masakit, pero masarap?

Masakit kasi ako lang yung nagmamahal.

Masakit kasi patuloy pa rin akong umaasa.

Masakit kasi ang tanga-tanga ko na.

Pero Masarap, masarap kasi parang ang saya.

Ang saya-saya ng puso ko kapag nakikita kita.

Masarap kasi kinikilig ako at gumaganda ang araw ko kapag naaalala ka.

Eto pala yun.

Eto pala yung lintik na "Pagmamahal" na yun na may kakabit na "Sakit" at "Pagpapakatanga".

Nakakatawa diba?!

Parang ang dali-dali kong magbigay ng payo.

Payo din para sa sarili ko pero eto pa rin ako.

Minamahal ka noon at hanggang ngayon.

(K dot. Uber drama na dai?! Ano? Bigteeee. Charing keme. Pasensya na, sulat ko pa yan last year. Ewan ko anong nakain ko noon. Hahahaha. Pero seryoso last year pa to. Kasi pinost ko to sa FB eh. -diba tanga na madrama pa. So yun pinost ko sa FB tapos sabi ni FB one year ago na daw nung pinost ko yun. Nakakaurat lang kasi super drama. Charing. Nakahalo na ata sa dugo ko yung pagiging madrama kaso sumobra to. Sorry pooooo. Di na mauulit. Charot. Basta di na ko ganto kadrama *wink wink*)

-aicaquin

FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon