MAHAL KITA ni Angelica Quiñones RamosMahal kita.
Oo, ikaw, Mahal kita.
Sa kabila ng kapintasan na nakikita nila, Mahal kita.
Sa kabila ng katotohan na hindi mo kayang suklian ang pagmamahal na aking nadarama, Mahal kita.Mahal kita kahit sa iba ka nakatingin.
Mahal kita kahit di mo ko pinapansin.
Mahal kita kasi ikaw ay ikaw.
Mahal kita kasi hindi ka nagpapasilaw, nagpapasilaw sa ganda na sa labas lamang nakikita ng ating mga mata.Mahal kita, Kahit masakit, mahal pa rin kita.
Mahal kita, kahit ikaw na ang dahilan ng kalungkutan na nadarama.
Mahal kita, sa kabila ng luha na ilang beses nang pumatak mula saking mga mata.
Mahal kita, bakit nga ba Mahal pa rin kita?!Marami ng dahilan para kalimutan kita, alam mo ba??
Pero lintik na puso to, humahanap din ng dahilan para Mahalin pa rin kita.
Mahal kita, hanggang kailan ko ba to madarama?
Mahal kita, pero alam mo? Hinihiling ko na sana makalimutan na kita.Oo, ikaw.! Sana makalimutan na kita.
Mahal pa rin kasi kita.
Walong taon na ang nakakalipas pero Mahal pa rin kita.
Hanggang kailan ba dapat umasa na sabihin mo din sakin ang mga salitang "Mahal Kita."?Maraming katanungan ang naglalaro sa aking isipan.
Maraming kungklusyon.
Maraming Paano, paano kung mahal mo rin ako?
Paano kung umaasa lang talaga ako?Mahal kita, mahal na mahal kita.
Pero napapagod na ko, alam mo ba?
Mahal kita, mahal na mahal kita.
Kaya kakayanin ko, kakayanin ko kasi nga Mahal kita.Pero Mahal ko, sana bago dumating ang oras na di na tumitibok ang puso ko para sayo.
Matupad na ang pangarap ko, pangarap ko na sabihin mo na Mahal mo rin ako.
Dahil wala akong ibang hinihiling kundi ang pagmamahal mo.
Hanggang sa huling oras ng buhay ko.-Aicaquin
BINABASA MO ANG
Feelings
CasualeIto ay ang mga damdamin na mula sa aking puso. Mga damdamin na hindi maiintindihan ng iba pero mauunawaan ng iilan. Damdamin na totoo. Walang halong panloloko. Damdamin ni hindi kagaya ng mga ngiti ko na kaya kong ipakita kahit kanino, kahit nasasak...