Itaas ang kamay ng mga naging rebound na!
Itaas ang atay ng mga naghanap ng rebound! Tama. Itaas mo ang atay mo dahil wala kang bait sa katawan para maghanap ng rebound.
Joke lang!
Anyway, ang kwentong ito ay isa sa mga representasyon na kung mabilis kang magmahal, mabilis ka ring masasaktan. Pero hindi ibig sabihin no'n, hindi na pang-habangbuhay. Dati, lagi kong minamaliit ang mga tao (maging ang sarili ko) kapag mabilis silang (kaming) na-fo-fall. Parang tanga 'di ba? Love agad? Pero marami kasing factors na nakakapag-contribute sa kung bakit may mga taong mabilis magmahal. Isa na ro'n ang kakulangan nila mismo ng pagmamahal mula sa iba, maging sa sarili nila.
Pero again, hindi ibig sabihin na mabilis mong minahal ang isang tao, ibig sabihin, hindi na totoo ang nararamdaman mo.
Kasi ang love, hindi naman 'yan decision lang. Ipupusta ko ang buhay ng lahat ng trolls online na hindi nagsisimula ang love sa decision. Alam mo kung saan?
Sa feeling.
Before anything else, love is a feeling.
BINABASA MO ANG
Rebound Mo Lang Pala Ako
General FictionTunay na pag-ibig kapag umiyak ang lalaki. 'Yan ang laging sinasabi sa 'kin ni Papa noong nabubuhay pa siya. Ako si Kat, 27 years old, at isang strong, independent woman. Strong dahil ulila na ako pero nabubuhay pa rin ako nang matiwasay at masaya...