6

8 0 0
                                    

12 AM. Akala ko ay tunog ng alarm ang naririnig ko pero tunog iyon ng cellphone ko kapag may tumatawag. Nang makitang si Jin ang tumatawag sa akin ay mabilis ko iyong sinagot.


"Hello?"


"Hi. This is the manager of 1218 Bar. By any chance, are you related to the owner of this phone?" boses iyon ng babae.


Bakit nasa bar ang cellphone ni Jin? Naiwan ba nito iyon? Akala ko ba ay hindi ito umiinon ng alak?


"H-He's my friend. Why?"


"Oh. Can you come and get him? He's so drunk."


Bakit naman nalasing si Jin? At mukhang mag-isa lang itong uminom dahil kung hindi ay hindi ako tatawagan ng manager. Bakit nga ba ako?


"Okay, I'll pick him up. Why is it me that you called by the way?"


"Your number is the last he dialed."


Sabagay, hindi naman nakakapagduda 'yon. Kahapon lang naman ako tinawagan ni Jin.


"Actually, your number is the only one he called. He's got a missed call from someone named Gab but I thought I had to dial first the only number that he called. That's you."


Bigla na namang kumulo ang tiyan ko sa narinig. Nagsabi akong pupunta ako at ginising ko na si Flong para mag-ayos papuntang Quezon.


"We have to leave by 1, Kat. Where are you going?"


"I'll be back at 1. Promise."


Nagmamadaling nagmaneho ako patungo sa address na binigay ng manager. Dahil nasa BGC ang bar ay madali ko lang ring nahanap iyon. Pagdating ko ay lasing na lasing nga si Jin at tinulungan ako ng security guard na isakay ito sa kotse nitong nakaparada lang sa tapat.


"Kaya niyo na po, Ma'am?"


"Oo, kuya. Thank you."


"Welcome po. Ingat po kayo pauwi. 'Wag niyo na po ulit hahayaang uminom mag-isa ang boyfriend niyo. Medyo may kahinaan po, eh. Tatlong baso lang ang ininom, lasing na lasing na. Hindi ata sanay."


"Hindi po talaga siya sanay. Pasensya na po."


"Sige po Ma'am. 'Wag na po kayong mag-away para hindi na maglasing ang boyfriend niyo. Tinatawag nga ng paulit ulit ang pangalan niyo kanina, eh. Parang nasa teleserye si Sir."


Gusto ko sanang itama ang lalaki na hindi ako girlfriend ni Jin. Pero mas nanaig ang curiosity ko nang sabihin nitong tinawag ni Jin nang paulit ulit ang pangalan ko.


"Ah kuya!" pagtawag ko sa security guard na bahagya nang nakalayo. Muli itong naglakad papalapit sa kotse.

Rebound Mo Lang Pala AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon