"SPOON or fork? 1, 2, 3!"
"Spoon!"
"Fork!"
"Rice or mashed potato? 1, 2, 3!"
"Mashed potato!"
"Rice!"
Sabay kaming pumalatak ni Jin. Kanina pa kami sumusubok na magkapareho ng sagot pero mauubusan na kami ng choices ay hindi pa rin kami nagkakatugma. Pinagtatawanan na nga kami ng bangkerong kinuha ni Jin para ipasyal kami sa ibang isla ng Gigantes.
"'Di ata kayo meant to be. 'Di kayo magkatugma a."
"Kuya, kung wala kang magandang sasabihin, 'wag ka na lang magsalita," pagbibiro ni Jin dito. O biro nga ba 'yon?
"Ayoko na. Wala namang patutunguhan 'to, eh," nakatawa kong wika kay Jin.
Nang nalaman ko kagabi ang lahat ng nangyari sa nakaraan nito na isang malaking palaisipan sa akin noon, pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik. Pakiramdam ko ay namatay ang isang sama ng loob na matagal nakatanim. Lumambot ako. Literal na lumambot ang puso ko para kay Jin. Hindi ko alam kung awa o ano ang nararamdaman ko, pero ang sabi ko sa sarili ko, hindi ko na papahirapan ang lalaking ito. Hindi na ako uli basta-basta aalis nang walang pasabi. At makikipaglapit na ako muli dito, bilang kaibigan man o higit pa roon. Ang sabi nito ay mahal pa rin nito si Jas, sa ibang paraan na nga lang. And that for me is enough. Enough to free myself from being a rebound. Jin has moved on. He has finally moved on.
"Let's try another game then."
"What game?" tanong ko rito.
"Why don't we do the 20 questions game?"
"Sigurado ka? Marami raw nasasaktan after laruin ang game na 'yan. May classmates ako dati na nag-break dahil diyan."
"'Wag kang mag-alala. Hindi tayo magbre-break."
"What?" natatawa kong tugon dito at saka binato ito ng goggles na naabot ko. Sa snorkeling spot kasi ang unang pagdadalhan sa amin ng bangkero.
"Uy... Sasagutin na ni Ma'am si Sir," wika ng bagnkero. Nakipag-high five si Jin dito.
"Tama 'yan. Magsasalita ka lang kapag may maganda kang sasabihin, okay? Dadagdagan ko ang tip mo mamaya," ani Jin at muling nag-high five ang dalawa.
"Kuya! Wala namang tinatanong sa 'kin 'yan. Kaya anong isasagot ko sa kanya?"
Mabilis na hinakbang ni Jin ang isang kawayang nakaharang sa pagitan namin at sa isang iglap ay magkaharap na kami. Nakaupo ako at nakatayo ito.
BINABASA MO ANG
Rebound Mo Lang Pala Ako
General FictionTunay na pag-ibig kapag umiyak ang lalaki. 'Yan ang laging sinasabi sa 'kin ni Papa noong nabubuhay pa siya. Ako si Kat, 27 years old, at isang strong, independent woman. Strong dahil ulila na ako pero nabubuhay pa rin ako nang matiwasay at masaya...