"SIGURADO ka ba talaga sa gagawin mo?" Matatag kong tanong kay Jin habang nakaupo sa kama nito at pinapanood itong ihanda ang mga gamit sa pananahi sa sugat ko.
Walang doktor o nurse ang resort. At dahil gabi na ay siguradong sarado na rin daw ang health center. Kaya ang ginawa ni Jin ay dinala ako nito sa kwarto nito at kumuha ng first aid kit. Hindi ko naman alam na kasama sa first aid kit nito ang pangtahi sa sugat.
"Wala ka bang tiwala sa akin?"
"Ang sabi mo one year ka lang sa medicine 'di ba? What do you know about stitching a wound?"
"More than you know, dumb."
"Anong sabi mo?" Hindi ko napigilang pagtataas ng boses dito.
"You're dumb. Hindi ba? Kung hindi, hindi ka maaksidente nang ganyan."
Bumuga ako ng hangin bago sumagot. "Kanina lang, tinawag mo 'kong baby. Tapos ngayon, tatawagin mo 'kong dumb?"
Natigilan ito sa sinabi ko. Akala ko ay sasagot pa ito pero umiling lang ito at saka ibinalik ang atensyon sa ginagawang pag-aayos. Magsasalita pa sana akong muli nang bigla itong tumayo at lumapit sa akin.
"Hey, hey, hey! Hindi ka ba maglalagay ng anesthesia?" natataranta kong tanong dito. Kahit kailan ay hindi pa ako naaksidente na kinailangang may tahiin sa akin pero alam kong masakit ang gagawin nito.
"How old are you?"
"27. Why?"
"See? You're an adult. And part of adulting is to get yourself hurt and get healed without an anesthesia."
I rolled my eyes. "I know. But this isn't the kind of hurt that I can get healed without an anesthesia. Please, Jin. I can't do it."
"You can."
"Can't."
"Can."
"No," muli kong pagpigil sa kamay nitong inilapit nito sa sugat ko.
"Kapag hindi ko tinahi 'yan, ma-i-infect 'yan. Kapag na-infect 'yan, lalala 'yan. At baka ma-amputate ka pa nang tuluyan."
"I don't believe you."
"That's alright. I don't care if you become disabled anyway. Ano? Ayaw mo talaga? Iba-bandage ko na lang 'yan. Mas masakit 'yon dahil bukas pa ang sugat mo."
Parang mas masakit naman ata 'yong wala kang pakialam kung maputulan man ako ng paa.
BINABASA MO ANG
Rebound Mo Lang Pala Ako
General FictionTunay na pag-ibig kapag umiyak ang lalaki. 'Yan ang laging sinasabi sa 'kin ni Papa noong nabubuhay pa siya. Ako si Kat, 27 years old, at isang strong, independent woman. Strong dahil ulila na ako pero nabubuhay pa rin ako nang matiwasay at masaya...