MASAYA na malungkot ang naramdaman ko nang matapos namin ang shoot kanina. We finished the shoot in two days. Mahaba kasi ang sunset kanina kaya after ng shoot sa lighthouse ay naihabol pa namin ang sunset sa rock beach. At dahil alam kong iyon na ang huli, dinamihan ko ang shots kay Jin. Alam kong napansin ni Flong kanina na si Jin lang ang kinukunan ko sa frame at hindi kasama si George pero hindi naman ito nagsalita. Alam ko rin namang hindi ako nito ibubuking sa harap mismo ng dalawang lalaki.
"Flong, ayaw mo ba talagang manood ng beauty pageant sa bayan?"
Humiga muna ito bago sumagot. Kakatapos lang nitong maligo at ngayon ay nakasuot na ng pantulog.
"Mag-da-drive pa 'ko mamaya. Alas-dose tayo ba-byahe. Kailangan ko ng pahinga."
"Pero wala naman tayong booking bukas."
"We still have a lot of photos to edit, remember? Magpahinga ka na rin. Ano ka ba? Dapat ngayon pa lang, umiwas ka na sa Jin na 'yan. Ipakita mong wala kang pakialam kahit pa ito na ang huling beses na magkikita kayo."
"Hindi naman si Jin ang papanoorin natin, a."
"Oh, really? Narinig mo lang na nagkayayaan silang manood kanina, nagyaya ka na rin."
"Hindi kaya."
"Really?"
Hindi na lang ako sumagot at humiga na lang rin sa kama. Alas-syete pa lang pero matutulog na kami. Anong klaseng body clock ba ang gusto nitong i-set sa katawan namin?
Ilang minuto pa lang kaming nakahiga nang may kumatok sa pinto. Tumingin sa 'kin si Flong at umiling. Hindi ko ito pinansin. Hindi ko kayang magpanggap na natutulog tulad nito. Malamang ay si George o Erika iyon at aayain kaming muli na sumama sa bayan para manood.
"Sino 'yan?" tanong ko at saka dahan-dahang tumayo.
"Si Jin 'to. Pwede ba kitang makausap, Kat?"
Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay Flong. Nakatingin lang din ito sa akin at tila nag-aabang sa susunod kong gagawin.
"Wait lang," ang tanging nasabi ko. Nahuli ko ang marahang pag-iling ni Flong at saka humiga patalikod sa akin. Dahan-dahan akong naglakad palapit ng pinto. Pagbukas ko ay mukha nga ni Jin ang sumalubong sa akin. Halatang bagong ligo ito dahil basa pa ang buhok at amoy na amoy ko rin ang shampoo nito. O baka sabon nito iyon, o perfume, o body odor.
Matipid akong ngumiti. "Can I help you?"
"Yes. Can I ask you out for a dinner?"
"D-Dinner?"
BINABASA MO ANG
Rebound Mo Lang Pala Ako
General FictionTunay na pag-ibig kapag umiyak ang lalaki. 'Yan ang laging sinasabi sa 'kin ni Papa noong nabubuhay pa siya. Ako si Kat, 27 years old, at isang strong, independent woman. Strong dahil ulila na ako pero nabubuhay pa rin ako nang matiwasay at masaya...