9

16 0 0
                                    

Author's Notes:

One time tinanong ako ng partner ko kung anong ginagawa ko. Bakit 'di ako nagre-reply sa mga texts niya. Bakit 'di ako nagpaparamdam. Sabi ko: "Nag-u-update sa Wattpad, kahit wala namang nagbabasa. Hehe."

I know for now it's true. Pero naniniwala ako na someday, ang ire-reply ko na sa kanya, "Nag-u-update sa Wattpad, kasi milyon-milyong readers ang naghihintay."

:) I don't have a good life, but I still believe that dreams do come true... :)




"CHICKEN or pork? 1, 2, 3!"


"Chicken!"


"Chicken!"


Nag-high five kami ni Jin nang sa wakas ay magtugma na ang sagot namin.


"Ateneo or La Salle? 1, 2, 3!"


"La Salle."


"Ateneo."


Nagkatinginan kami ni Jin at sabay na ngumiti. I answered Ateneo, he answered La Salle, and I thought it was beautiful.


"We should've filmed it," anito.


"I know."


Muling namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Nakasalampak kaming dalawa sa buhangin ng Passi Beach habang pinanonood ang sunset.


"This feels so nostalgic," basag nito sa katahimikan.


"Parang Patar Beach sa Bolinao, 'no?'


"Which sunset for you is better? Passi or Patar? 1, 2, 3."


"Patar."


"Passi."


"Huh? Are you sure? Mas mapula ang sunset sa Patar kumpara dito," puno ng pagtatakang tanong ko.


Matipid ang naging pagngiti nito sa akin at saka muling bumaling sa tanawin sa harap namin.


"You're right. Aesthetically, this one's a loser. But I'd rather treasure this moment than the other. You know why?"


Parang alam ko na kung bakit. Pero gusto ko pa ring marinig. "Why?"


"In Bolinao, you and I were together, but in my mind, you were nowhere to be found. Here and now, you and I are together again, and in my mind, you are the only one."

Rebound Mo Lang Pala AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon