Author's Notes:
Super unplanned ang update but let there be light. Char! Enjoy. :)
NAGISING ako sa malalakas na katok sa pinto ng kwarto ko. Iyon na ang ikatlong araw ng pamamalagi ko sa Isla de Gigantes, ang akala kong trabaho na nauwi sa isang napakagandang bakasyon. At ang nagpaganda ng bakasyon na ito ay siguradong ang siyang kumakatok sa pinto.
"Hello! Hello! Hello! Good morning! This is Kat! Kat, say hi to the viewers!"
Naniningkit pa ang mga mata ko nang buksan ko ang pinto pero si Jin ay halatang gising na gising na kahit medyo madilim pa sa labas. May hawak itong DSLR at nakaharap ang lens sa aming dalawa.
"Are you vlogging?"
"I am! Let's go! I prepared something for you!"
Nagpahila ako kay Jin palabas ng kwarto hanggang sa umabot kami sa maliit na hardin sa entrada ng resort. Habang naglalakad ay nagsasalita rin ito at kung anu-ano ang sinasabi. Hindi ko inakalang seseryosohin nito ang sinabi kong gusto kong mag-vlog. Base sa ipinapakita nito ay mas bagay na ito ang gumawa niyon dahil mukhang mas may alam pa ito kaysa sa 'kin.
May isang maliit na mesa at dalawang upuan na magkatabi sa hardin. May tripod na ring nakatapat sa mesa. Ikinabit ni Jin ang camera sa tripod saka ako pinaupo.
"Good morning," nakangiting bati nito.
"Good mor—" Naputol ang sasabihin ko dahil bigla akong hinalikan nito sa pisngi. Itinaas ko ang kamay patungo sa dibdib ko para himasin ito dahil may gumagapang na namang kuryente doon ngunit kinuha ni Jin ang kamay ko at ipinatong sa dibdib nito.
"Inside here, there is you."
"Jin."
"Pwede ba kitang maging girlfriend?"
Hindi ako makasagot. Hindi dahil hindi ko alam ang isasagot. Kung 'di dahil hindi ko alam kung paano sasabihin dito ang sagot.
"Kat?"
Tumingin ako sa mga mata nito at hinanap ang kasiguraduhan doon. Siguro nga ay sigurado na ito sa itinatanong. Pero sigurado rin ako na hindi pa ako handang sagutin ang tanong nito. Nang halikan ako nito kahapon ay hindi ko nagawang makatugon. Inisip ko noong una ay dahil ito ang first kiss ko at hindi pa ako marunong humalik. Pero sa kaloob-looban ko, alam kong dahil hindi pa rin ako sigurado dito. Natatakot ako. Paano kung hindi pala ito ang tunay na pag-ibig ko? Paano kung masasaktan lang ako ng maling tao?
"Pwede bang... 'wag mo na muna akong tanungin?"
Tumangu-tango ito. "I understand." Kita sa mga mata nito ang pagkawala ng buhay. Nakonsensya tuloy ako na pakiramdam ko ay nasira ko ang magandang umaga. Hinawakan ko ang likod ng ulo nito at ngumiti dito.
BINABASA MO ANG
Rebound Mo Lang Pala Ako
Fiction généraleTunay na pag-ibig kapag umiyak ang lalaki. 'Yan ang laging sinasabi sa 'kin ni Papa noong nabubuhay pa siya. Ako si Kat, 27 years old, at isang strong, independent woman. Strong dahil ulila na ako pero nabubuhay pa rin ako nang matiwasay at masaya...